• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit wala si Kris Aquino sa ABS-CBN Christmas Station ID 2014?

Bakit wala si Kris Aquino sa ABS-CBN Christmas Station ID 2014?

Where is Kris?

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

11/14/2014 6:19 PM
Bakit wala si Kris Aquino sa ABS-CBN Christmas Station ID 2014?


111414-darlakris_main.jpgSa pag-ere ng taon-taong inaabangang Christmas Station ID ng ABS-CBN, lahat ay tumutok sa launch nito kahapon (November 13). In all honesty, naiyak ako nung pinapanood ko. May kakaibang kurot sa puso, very heartwarming. Agree ako sa sinasabi ng lahat sa social networking sites, iba talaga kapag Kapamilya Network ang gumawa. May puso, pero nandun pa rin yung pagka-“glossy.”

Kaya lang, gaya na rin noong mga nagdaang taon, bukod sa pag-aabang sa pangkabuuang tema ng station ID ay inabangan din ng lahat kung sino ang pinaka-
bongga ang exposure sa mga Kapamilya stars. Sino ang una at huling ipapakita, at sino ang wala. This time, bumaha ang tanong sa social media pagkatapos itong ipalabas. Bakit wala si Kris Aquino?

Sa kanyang post kagabi, ng picture nila ng Presidente ng Mexico – His Excellency President Enrique Pena Nieto, na sinalubong niya on behalf of her brother President Noy, may isang nag-comment kay Krisy, nagtatanong kung bakit nga wala siya sa station ID. 

“(@idmaykel) I was in Japan taping Kris TV when the Thank You spiels were being taped, then super na busy sa FENG SHUI…” ang sagot ni Krisy.