Sunshine Cruz says Ejay Falcon did not court her

Sunshine Cruz explains that Ejay Falcon was in a relationship with Yam Concepcion when they were working together in ‘Dugong Buhay.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/14/2014 7:00 AM
Sunshine Cruz says Ejay Falcon did not court her


111414-shine_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, tinuldukan na ni Sunshine Cruz ang tsismis na niligawan siya ni Ejay Falcon. Sabi ni Sunshine noong katrabaho niya si Ejay sa Dugong Buhay ay girlfriend ni Ejay si Yam Concepcion. Flattered naman si Sunshine na na-link siya sa isang gwapong artista katulad ni Ejay.

Matatapos na ang teleseryeng Pure Love kung saan gumaganap na nanay si Sunshine ng bida na si Diane, na ginagampanan naman ni Alex Gonzaga. Dapat diumanong abangan ang “not so ordinary ending” ng Pure Love, ayon kay Sunshine. 

Malaki rin ang pasasalamat ni Sunshine sa ABS-CBN dahil hindi siya nawawalan ng projects. Nagsimula si Sunshine sa teleseryeng Dugong Buhay, at agad itong nasundan ng Galema at Pure Love. Nabigyan din siya ng role sa Maalaala Mo Kaya kung saan nanominate siya as Best Actress for a Single Performance. Isang dream come true diumano para kay Sunshine ang manominate kasama ang mga batikang artista katulad nina Janice De Belen, Irma Adlawan, Nora Aunor, at Maricel Soriano. At least, ani Sunshine, hindi siya “pupunta sa awards night para maging best-dressed.”

Ibinahagi rin ni Sunshine na proud siya sa mga anak niya na panay raw magaganda ang boses. Ang anak niyang si Samantha ay dream sumali sa The Voice Kids. Proud rin si Sunshine na nag-e-excel ang mga anak niya sa school at alam nila ang priorities nila. Sinasabi raw ng mga anak ni Sunshine sa kanya na after ng studies, saka na lang nila iisipin kung papasukin nila ang pag-aartista.

Pagkatapos ng Pure Love, tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng blessings kay Sunshine. Magkakaroon diumano siya ng isa pang MMK episode at matutupad na rin ang dream role niya na maging isang kontrabida sa isang teleserye na may tentative airing date na January 2015. Pagtatapos ni Sunshine, “I’m happy, maraming trabaho. Tatakpan ko na lang ng concealer ang eyebags ko basta maraming trabaho and I’ll do my very best.”