• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina reveals she wants to call soon-to-be born daughter 'Mandy'

Ara Mina reveals she wants to call soon-to-be born daughter 'Mandy'

Summary: The actress says she might be delivering her first born before Christmas.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2014 4:52 PM
Ara Mina reveals she wants to call soon-to-be born daughter 'Mandy'


111314-ara3_main.jpgNaging malaking isyu sa showbiz ang paglabas ng larawan ni Cristine Reyes na bloated ang tiyan o parang buntis sa Instagram account mismo ng aktres. Kasama niya sa picture ang Ate Ara (Mina) niya at ang boyfriend nitong si Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.
 
Pero kaagad ding nawala sa Internet ang naturang larawan. And according sa balita, kinumpirma raw mismo ni Ara ang tungkol sa pagbubuntis ng kanyang kapatid.
 
“Naku, Tito Leo, wala akog kinu-confirm!” text niya agad sa amin nang hingin namin ang kanyang reaksyon sa isyu.
 
“Busy ako sa paghahanda para sa panganganak ko and I’m very excited na makita ang baby ko kaya wala akong panahong magkuwento o magsalita about that,” dagdag pa niya.
 
Ayon pa sa kuwento sa amin ni Ara, before Christmas niya isisilang ang first baby girl nila ni Patrick.
 
“Buti na nga lang before Christmas, ’di ba? Kasi, imagine  kung Christmas mismo, parang medyo kawawa ang anak ko kasi sabay na ng birthday niya ang Christmas, baka wala nang pumuntang makiki-birthday sa kanya kasi Pasko ’yon. Lahat may handa, tapos siyempre, kasama nila ang family nila.
 
“Gusto ko naman na ma-enjoy ng anak ko ‘yung birthday niya na nando’n ‘yung ibang mga bata, yung friends niya… Hehehe!” pahayag ni Ara.
 
Naikuwento rin sa amin ni Ara sa text na nagkaroon pa sila ng maternity shoot ni Patrick para i-document ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.
 
“Gusto lang namin kasi siyempre, first baby namin. Ganu’n talaga, para may pictures kaming titingnan kapag nanganak na ako. Parang remembrance,” text niya ulit sa amin.
 
Handang-handa na ngang maging nanay si Ara. Gusto rin daw niyang i-breastfeed ang first baby niya.
 
“I hope normal delivery. Pero kung anuman, okay din lang… ‘Yung breastfeeding, oo, magpapa-breastfeed ako.
 
“Para kasing ang sarap ng feeling na ikaw yung nagpapa-dede sa anak mo. Iba yung attachment ng mother and child kapag ganu’n. Ako, gusto ko ‘yung ma-experience.
 
“Tapos ‘yung gigising ka kapag umiiyak ang baby mo, tapos kakargahin mo kasi kailangan niya ng milk mo. Sobrang excited akong gawin ‘yon,” text pa niya sa amin.
 
May naisip na ring pangalan sina Ara at Patrick sa kanilang first-born baby. Tatawagin daw nila itong Amanda Gabrielle or Mandy for short.

Photo credit: @realaramina on Instagram