• Home
  • Fresh Scoops
  • Amy Perez and Carlo Castillo's wedding: Eight years in the making

Amy Perez and Carlo Castillo's wedding: Eight years in the making

The couple gets hitched in a uniquely themed wedding they waited to happen for years.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/13/2014 12:34 PM
Amy Perez and Carlo Castillo's wedding: Eight years in the making


111314-amy_main.jpgMagkahalong saya at kaba ang makikita sa mga mukha ni Amy Perez at Carlo Castillo sa kanilang kasal na naganap sa Mango Farm sa Antipolo City kahapon. Isang Christian wedding ang naganap na nasaksihan ng 180 na mga bisita na karamihan ay mga kamag anak at malalapit na kaibigan ng couple. 

Simple pero elegante ang wedding gown ni Amy na gawa ni JC Buendia. Naka red high cut sneakers si Amy na katerno ng suot ni Carlo at ng kanilang mga anak. Kakaiba ang naging tema ng kasalan. Sa wedding march, dumating ng naka vintage scooter si Carlo bago nag march sa altar. si Amy naman, nag drive ng sports car bago maglakad sa wedding. Marami naman ang natuwa sa tatlong anak nina Amy at Carlo na sabay sabay naglakad sa altar na parepareho ang suot at may hawak na banner na may nakalagay na “Dada Here Comes Mom."

Ilan sa mga personalidad na kasali sa listahan ng principal sponsors ay sina Boy Abunda at ABS-CBN executive Cory Vidanes, former senator Nikki Coseteng, Navotas Mayor John Ray Tiangco, Boots Anson Roa at MMDA Charman Francis Tolentino.

Habang nagma-martsa sa altar, Kumanta si Agot Isidro, na isa sa mga bestfriend ni Amy, ng “Come What May” na pinasikat ng Air Supply. Ito daw ang isa sa mga theme songs ng couple.

Nagpapasalamat naman sina Amy at Carlo sa lahat ng dumalo at naka alala sa kanilang special day na ito.

"Actually hindi namin inakala na ganito kainit ang magiging buhos ng pagmamahal ng mga tao sa amin, sa mga kaibigan at family, mas doble, mas triple dahil finally, ito na yung hinihintay namin. Thank you sa lahat ng nag-pray sa amin to make things right para sa mga bata. Maraming, maraming salamat for all the love and support talaga." 

Sa naging kakaibang tema naman ng kanilang kasal, tinandaan naman ni Amy ang sinabi ni Carlo na mga bagay na gusto niya kung ikakasal sila at ito na nga ang nabuo na konsepto.

"Kasi medyo modern na tayo ngayon, naka motor ako, naka rubber shoes kami lahat. Walang ma-o-off ika nga. Sabi niya huwag maging stiff. Gusto niya maging fun tapos masaya lang. Cool mas relax for everybody, for the family and friends," paliwanag ni Carlo.  

At kung may plano pa sila na magkaroon ng isa pang baby, nagkatawanan naman ang mag asawa.

"Hindi na muna siguro kasi masakit na iyung likod ko sa kakahabol sa bunso namin eh. We are very blessed to have three boy," sabi ni Amy. 

main picture photo credit:  nice print photo

WATCH VIDEO HERE
111314-amy1_main.jpg
111314-amy2_main.jpg
111314-amy3_main.jpg
111314-amy4_main.jpg
111314-amy5_main.jpg