Karla Estrada shares what it's like to be 'Queen Mother'

Karla Estrada says that she doesn't want to get affected by bashers of Teen King Daniel Padilla.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/12/2014 10:32 AM
Karla Estrada shares what it's like to be 'Queen Mother'


111214-karla_main.jpgSa ginawang panayam ng ilang press kay Karla Estrada, ikwento ng tinaguriang “Queen Mother” ng “Teen King” na si Daniel Padilla ang naging biyahe ng anak sa US at Canada Tour kasama si Kathryn Bernardo. Halos isang buwan din nagtagal ang dalawa sa ibang bansa para sa ilang series of concerts. Kwento ni Karla, “Okay naman siya, happy naman siya perso sabi niya, ‘Grabe Ma, uwing-uwi na ako.’ Hindi nga siya nakatulog sa eroplano sa sobrang excitement niyang umuwi. Ganun naman yata kapag sanay tayo sa bansa natin, nabuburyong na tayo kapag ang tagal-tagal na natin dun.”

Ikwinento din ni Karla ang dahilan kung bakit niya piniling hindi na sumama sa tour na ito tulad noong nakaraan. “Ngayon hindi ako sumama kasi nakakapagod na at saka may tatlo pa akong anak. Ayaw na rin ni DJ na iniiwan-iwan ko yung mga kapatid niya e ako naman na-excite lang ako sa mga una niyang lakad at underage kasi siya nun. Now he is 19, pasok na siya sa ibang bansa na pwede na siyang mag travel without parents.”

Ibinahagi din ni Karla ang balitang magsisimula nang bagong soap opera si Daniel sa susunod na taon. “Yes, start sila next year, early next year.” Kaya naman ang medyo magaan pagadating sa trabaho si Daniel ngayong Pasko ayon na rin sa kanyang ina na kahit papaano ay may panahong maghanda at makapagpahinga ang anak. “Relax ang pasko dito lang, pero after Christmas sa London naman ang New Year nila kasi may show siya dun. So hindi namin siya makakasama sa New Year. Malungkot dahil unang New Year ito eh, hindi naman kami ever-ever nagkakahiwalay eh pero okay lang para sa bayan. Okay lang ako kasi part ng trabaho niya, eventually makakapagdecide na siya na ‘Ayoko po,’ pero sa ngayon na ang dami naming gutsong gawing mag-ina, sige, habang malakas at mahal siya at tinatangkilik siya eh di i-embrace niya yun at i-appreciate niya.”

111214-karla_main.jpgBilang nabansagang “Queen Mother” ng “Teen King”, may dagdag pressure din sa kanya ito? “Masaya naman. Hind kasi ako naapektuhan ng mga bashers, yung mga mapanirang tao and sorry hindi ako nagbabasa ng mga comments na hindi magaganda kasi ayaw ko masira ang araw ko ng isang tao na hindi ko naman, hindi naman alam ang sinakripisyo ko sa buhay. So mag-aaksaya kayo ng bonggang-bongga at para sa akin kawawa naman dahil ang lungkot ng childhood niyo, hindi kayo nakapag-Chinese garter, hindi ka nakapag-jolens, hindi ka nakapag-syato, tumbang preso, wala ka nun, ang lungkot.” 

Sa katunayan ang mga komento at paksa na tungkol sa kanya mismo na hindi masyadong maganda at negatibo ay pinagtatawanan na lang nila sa bahay. “Ang totoo, makulit kami sa bahay, talagang napagtatawanan namin yan. Lalo na kapag may nabasa kaming panlalait, nakakatawa talaga. Tapos sabi nya, hindi dapat siya sa The Voice sumali, dapat sa The Biggest Loser tapos pagtingin ko dun sa nagsabi hindi kasya yung picture niya dun sa lagayan ng profile. Tignan mo ito oh, ang lungkot ng childhood.”

Ikwinento na rin ni Karla ang kanyang bagong pinagkakabalahan at pinagtutuunan ng atensyon, ang DJP Productions na nakasentro sa pagpo-produce ng mga pelikula. “Magproduce ng mga magaganda at quality movies. Ito kasi para kay Daniel, hindi naman ito para sa akin kasi hinuhulma ko lang ang lahat ng ito para kapag ready na siya, siya na ang mgata-takeover, kaya nga DJP Productions. Siyempre gusto ko na ring dumating yung araw na relax na ako, kuya-kuyakoy na lang sa probinsya.”