• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlo Castillo to Amy Perez: ‘Mamahalin kita habang buhay’

Carlo Castillo to Amy Perez: ‘Mamahalin kita habang buhay’

Amy Perez weds long-time partner Carlo Castillo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/13/2014 7:00 AM
Carlo Castillo to Amy Perez: ‘Mamahalin kita habang buhay’


111314-carlo_main.jpgMatapos ang eight years na paghihintay, kinasal noong November 12 si The Singing Bee host Amy Perez at ang kanyang long-time partner, radio host Carlo Castillo.

Ayon sa ulat sa Aquino and Abunda Tonight, ginanap ang intimate ceremony sa The Mango Farm sa Antipolo, Rizal. Hinatid si Amy ng kanyang anak na si Kyle sa altar habang kinakanta ng kanyang kaibigan na si Agot Isidro ang Air Supply hit na “Come What May.” 

Si Adi naman, anak na panganay ni Amy, ang naging Best Man. Naka-beige suit si Carlo at naka-lace gown naman si Amy na gawa ng kanyang kabigang designer JC Buendia.

Marami rin ang naantig sa wedding vows nina Amy at Carlo. Kasama sa vows ni Amy ang, “Bakit ba ako ang hinahabol-habol mo ang dami ko namang bagahe?” Si Carlo naman ay nagpahayag ng wagas na pag-ibig kay Amy. “Mahal kita noon, mahal kita ngayon at mamahalin kita habang buhay.”