Bashers motivate Kristel Moreno to lose weight

Kristel Moreno lost 23 pounds after being lambasted online for the gown she wore at the 10th Star Magic Ball.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/12/2014 10:16 AM
Bashers motivate Kristel Moreno to lose weight


111214-aat_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, inamin ni Kristel Moreno na na-trauma siya sa natanggap niyang pagtutuligsa dahil sa suot niya sa nakaraang 8th Star Magic Ball. Ayon kay Kristel, nasa one million negative comments ang natanggap niya. Okay lang diumano na sabihan siyang “mataba,” pero ang masakit ay pati raw pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya ay kwinestiyon

Hindi rin sinuot ni Kristel ang damit niya, na gawa ng designer na si Rocky Gathercole, para mapansin, talaga lang raw pinaghandaan niya ang Star Magic Ball at hindi lang niya inakala na maraming hindi magagandahan sa suot niya.

Sa isang banda, naging motivation ni Kristel ang nangyari para pagtuunan niya ng pansin ang pagbawas ng timbang. Kwento niya, nabawasan siya nang nasa 23 pounds dahil hindi siya kumakain ng kanin at nagba-badminton siya kapag walang trabaho.

Sa ngayon, masaya si Kristel kasi hindi siya nawawalan ng trabaho. In fact, magkakaroon siya ng isang dance concert sa Zirkoh sa November 30.

Sa buhay pag-ibig naman, mas gusto ni Kristel magkaroon ng isang non-showbiz boyfriend para mas maging “private” ang kanilang relasyon. Aminado si Kristel na marami siyang manliligaw, ngunit kaibigan lang naman diumano ang iba sa mga nakakasama niya. Paliwanag ni Kristel, merong mga tao na iba ang konklusyon makita lang siya na may kasamang “halimbawa businessman.” Dagdag pa ni Kristel, “Hindi naman po ako siguro pangit para ang magkagusto sa akin mga tricycle driver.” 

Tumatanggap din siya ng gifts katulad ng cake mula sa kanyang suitors, pero hindi siya tumatanggap ng mga mamahaling regalo.

100516-KristelMoreno1.jpg