• Home
  • Fresh Scoops
  • Maegan Aguilar: 'Naging punching bag ako, yaya, nurse; hindi akong naging wife'

Maegan Aguilar: 'Naging punching bag ako, yaya, nurse; hindi akong naging wife'

Maegan Aguilar beaten badly by her live-in partner Ali Sanchez

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/11/2014 10:08 AM
Maegan Aguilar: 'Naging punching bag ako, yaya, nurse; hindi akong naging wife'


111114-maegan_main.jpgSa report sa Aquino and Abunda Tonight, nagulantang ang social media nang mag-post ang kaibigan ni Maegan Aguilar ng mga litrato ni Maegan na may mga pasa, naka-neckbrace, at nakaupo sa stretcher. Ang isang kuha naman ay nasa emergency room si Maegan. 

Ayon sa caption ng larawan, binugbog si Maegan ng kanyang live-in partner at tatay ng kanyang mga anak na si Ali Sanchez dahil sa nakapag-desisyon na si Maegan na hiwalayan na ito. Diumano alcoholic si Ali at kapag nagba-black out ito ay binubugbog niya si MAegan. 

Sa ulat sinabi na dislocated ang kanang braso ni Maegan at may mga injury din ito sa balakang at likod.

Sa panayam kay Maegan sinabi nito na, “Naging punching bag ako, yaya, nurse; hindi akong naging wife.” 

Dagdag pa ni Maegan, “Di ko narerealize na kawawa na pala talaga ako.” 

Sinabi rin Maegan na kahit mahal pa niya si Ali, “but love is not enough. Im’ not going to take another chance with him. Tapos na ang mga nang-aapak sa akin, hindi ko na kayo uurungan ngayon.”