Liza Soberano reacts to being compared to Kathryn Bernardo

The young actress says she is grateful for the warm feedback on her acting in Forevermore.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/11/2014 12:14 PM
Liza Soberano reacts to being compared to Kathryn Bernardo


111114-liza_main.jpgTinanggap agad ng televiewers ang tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano sa teleseryeng Forevermore na napapanood weekdays sa primetime bida ng ABS-CBN. Madalas ding mag-trending sa Twitter si Liza, patunay na dumadami na rin ang kanyang tagahanga.
 
“Sobrang thankful po talaga ako. Hindi ko po ini-expect na ganito ’yung magiging pagtanggap nila sa Forevermore namin,” say ng dalaga.
 
Pinuri rin ng mga kritiko ang pagiging sensitive performer ni Liza at ang pagiging komportable niya sa pagsasalita ng Tagalog kahit pa Inglisera siya sa totoong buhay.
 
“Kailangan po talaga ng effort. Hindi po ako puwedeng mag-English. Pero siyempre po, tinutulungan din ako ni Direk Cathy (Garcia-Molina) sa mga eksena ko,” kuwento pa niya.
 
Kahit nagiging malapit na sa isa’t isa sina Liza at Enrique, bawal muna raw ma-in-love ang dalaga.
 
“Naku, lagot po ako kay Tito Ogie (Diaz). Bawal po talaga. Hindi pa puwede. Work, work, work po muna,” pag-amin niya.
 
Sa hiwalay na pakikipag-usap namin kay Ogie, na nagko-co-manage ng career ni Liza with Star Magic, inamin nitong pinagbawalan muna niyang magka-boyfriend ang dalaga. Ayon sa kanya, kailangan munang mag-ipon ni Liza para makabili ng 2 sasakyan at makapagpagawa ng 2 bahay. Kapag nagawa na raw ‘yon ni Liza, puwede na siyang magka-boyfriend.
 
Samantala, Hindi maiwasang pagkumparahin ngayon sina Liza at Teen Queen na si Kathryn Bernardo. Pero nakikiusap ang newest Kapamilya sensation na tigilan na ito.
 
“Unfair po ’yon kay Kathryn kasi Kathryn na po siya at Liza lang po ako. Malayo na po ang narating niya. Nakakahiya po,” matipid niyang reaksyon.