• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid says Ericka Villongco is not using him for publicity

James Reid says Ericka Villongco is not using him for publicity

James Reid does not think that ex-girlfriend Ericka Villongco is using their past relationship to become famous.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/11/2014 10:27 PM
James Reid says Ericka Villongco is not using him for publicity


111214-jamesr_main.jpgSa pagsisimula ng panahon ng kapaskuhan, ibinahagi ni James Reid na sa loob ng ilang taon na nainirahan siya dito sa Pilipinas, makakasama na niya ngayon ang kanyang mga kapamilya na manggagaling pa mula sa Australia. “It’s great because I spent four years here alone and now my brothers are coming here, my sisters are coming here so it really means a lot to me.” 

At nang matanong kung malamig ba ang magiging pagsalubong niya sa pasko, ang nangingiting sagot ng aktor, “No, I have my family to keep me warm.”

Aminado si James na wala siyang nililigawan at walang espesyal na babae sa buhay niya ngayon. “No, at the moment no.”

Laman ng balita ngayon ang pagsasalita ni Ericka Villongco tungkol sa naging relasyon nila ni James. Dahil dito ay may ilang kumento sa social media na ginagamit lang daw ni Ericka ito para mapag-usapan at makilala sa showbiz, lalo na may pelikula siyang prinopromote sa kasalukuyan. Agad namang pinabulaanan ito ni James. “I don’t think so, her sister is more on the showbiz. She was just speaking her mind, everyone is entitled to their own opinion. We are just breaking our silence on the whole topic. I mean in the end she has nothing but nice things to say so I am really grateful.”

May posibilidad bang magkatrabaho sila sa isang proyekto? “Maybe in the future but not in the near future.” 

Ngunit nang tanungin kung sa ngayon ay handa na ba siyang pumasok muli sa isang relasyon, ang maikling naging tugon ng binata, “Not yet.”