I Do Grand Couple Kring and Jimmy give advice on love

Kring Elenzano and Jimmy Kim share what they learned from the I Do Village

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

11/11/2014 10:05 AM
I Do Grand Couple Kring and Jimmy give advice on love


111114-krimmy_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, aminado si Kring Elenzano na ipinagdasal niya ng matagal ang kanyang man of her dreams. Dumating pa raw sa punto na nagno-novena na siya. Ayon kay Kring, law of attraction ang love story nila ni Jimmy Kim dahil fan siya ng Korean culture at isang Korean si Jimmy.

Naging “exciting” ang journey ni Kring at Jimmy simula nang magkakilala sila. Ayon kay Kring, “I’ve been blogging since the day after we got together.” 

Ano nga ba ang pinaka-importanteng natutunan nila sa “I Do” village? Ayon kay Kring, natutunan niya na kailangan munang buoin ang pagkatao bago pumasok sa isang relationship. Para naman kay Jimmy, kailangan muna maging “indepently strong” ang mga couple para maging mas malakas sila kapag pinagsanib pwersa na. Mas maganda raw kung walang bagahe na dala ang bawat isa pagpasok sa married life.

Kung kaya naman, ayon kay Kring, sinabi niya noon pa man kay Jimmy na, “I’m not going to marry you if you don’t fix your issues with your mom. Dahil daw kay Kring kung kaya nagka-ayos na si Jimmy at ang kanyang nanay na hindi niya nakausap ng 11 years. 

Excited ang “Krimmy” para sa kanilang grand wedding sa November 12. Ang suit at wedding dress nila ay gawa nina Pepsi Herrera at Randy Ortiz respectively, at magiging ninang sa kasal ang host ng I Do na si Judy Ann Santos. 

Pinayuhan din ni Kring ang mga manonood na maniwala sa true love at kay God. 

“God’s timing is perfect for you,” sabi ni Kring.