• Home
  • Fresh Scoops
  • Eighty-six Miss Earth 2014 Candidates presented to the media

Eighty-six Miss Earth 2014 Candidates presented to the media

Miss Philippines Jamie Herrell says she's not letting the pressure of winning get to her.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/11/2014 10:20 AM
Eighty-six Miss Earth 2014 Candidates presented to the media


111114-jamie_main.jpgSuot ang kanilang black and white sexy two piece swim wear, rumampa sa harap ng media ang 86 candidates ng 2014 Miss Earth Pageant na naganap sa Green Sun Hotel sa Makati City.

Kanya kanyang style sa pagrampa at posing ang bawat candidate para makuha ang attention ng media. Ibinahagi rin nila ang kanilang campaign advocacy sa kanilang pagpapakilala.

Si Jamie Herrell na pambato ng Pilipinas, ayaw maramdaman ang pressure sa kanya na makuha ang korona.

"Like what I tell people, I'm just going to have fun because we all work so hard and we are all beautiful. We are all sexy and in the end it's the one who gets lucky to get the crown." 

Early favorite naman ang Miss Ukraine na si Valeria Poloz dahil sa kanyang natural blonde beauty at appeal.

"Yes, it's my first time here in the Philippines and I'm happy it's for the Miss Earth pageant. I love you Filipinas. I really love you. Thank you so much for this beauty pageant," sabi ni Miss Ukraine.  

Ang Miss USA naman na si Andrea Neu, ang trapik sa Metro Manila ang agad niyang napansin at instant na nagging paborito ang Pinoy food na Chopsuey.

"I love it. It's hot, it's humid. It's good for the skin. Traffic is a little scary but it's adrenaline rush and I've enjoyed the food."  

Ang kanyang pino na hair braids ang naging dahilan para naman mapansin si Miss Tanzania na si Nale Boniface Chambo. Ito daw ang kanyang paraan na ibahagi ang kultura sa kanyang bansa.

"It only took three hours to do it. It's not that long. It's called 'ruska' in Tanzania," comment niya.  

Liligirin ng mga kandidata ang karamihan sa magagandang tanawin sa Pilipinas at magaganap ang coronation night na November 29 sa University Theater ng U.P. Diliman at mapapanood naman sa N0vember 30 sa ABSCBN.