Carlo Aquino thanks Boy Abunda for his thriving career

Carlo Aquino talks about his girlfriend and his food truck business

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/11/2014 10:15 AM
Carlo Aquino thanks Boy Abunda for his thriving career


111114-carlo_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, matapos ang successful na paganap bilang  kontrabida sa Annaliza, ngayon naman mapapanood na uli si Carlo Aquino sa  Flordeliza, kung saan makakatrbaho niya si Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Dagdag pa ni Carlo, masarap makatrabaho si Jolina at Marvin dahil professional sila at magaan kasama. Paano naman kaya katrabaho si Direk Wenn Deramas? Ayon kay Carlo, “masaya at makulit” si Direk Wenn bilang isang director.

Sinabi pa ni Carlo, isa si Boy Abunda sa mga kailangan niyang pasalamatan sa sunod-sunod niyang projects. Diumano, matapos ang interview ni Boy sa kanya tungkol sa paganap niya sa MMK ay nagdire-diretso na ang kanyang mga projects sa ABS-CBN.

Hindi pa rin alam ni Carlo kung kailan sila magpapakasal ng kanyang four-year girlfriend na si Kristine Nieto. Napag-uusapan naman daw nila ito ng kaswal ngunit “nagiipon” pa sila bago magpakasal.

Partner niya rin sa kanyang food truck business si Kristine. Kwento ni Carlo, dapat isang diner ang itatayo nila ngunit napaka-mahal ng capital para dito. Kung kaya naisipan nila ang isang food truck business kung saan makakabili ng burgers, penne, fries atbp.

Mahilig si Carlo sa food kung kaya naisip niya ang kanyang negosyo.