• Home
  • Fresh Scoops
  • Julian Estrada admits former relationship with Julia Barretto

Julian Estrada admits former relationship with Julia Barretto

The Star Magic artist also answers questions about his father, Sen. Jinggoy Estrada, during the presscon of Relaks It’s Just Pagibig.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/2/2014 3:02 AM
Julian Estrada admits former relationship with Julia Barretto


110114-julian_main.jpgKaagad na umalis si Julian Estrada pagkatapos ng presscon ng pelikula nilang Relaks, It’s Just Pag-ibig na pinagbibidahan din nina Inigo Pascual at Sofia Andres. Hindi na siya nakipagtsika-tsika sa entertainment press dahil natatakot sigurong matanong tungkol sa amang si Sen. Jinggoy Estrada.

 Mabuti na lang at game ang binata na sagutin ang ilang tanong tungkol sa kanyang lovelife at ang ilang bagay tungkol sa tatay niya during the presscon.

Bahagyang nalungkot si Julian nang tanungin kung ano ang reaksyon niya na hindi mapapanood ni Jinggoy ang first lead role niya sa pelikula.

“Sa loob na lang niya panoorin. May CD naman po,” matipid na reaksyon ng binata.

Inamin ng binata na kabado siya at pressured sa Relaks, It’s Just Pag-ibig.

“’Yung una ko po kasi, Katas ng Saudi, bata pa po ako no’n. Ito yung malaki na ako kaya pressured talaga ako. Mas nakadagdag pa ng pressure na wala si daddy, tapos he’s been through a lot of things now… alam n’yo naman,” pag-amin pa niya.

May advantage sa pagpasok niya sa showbiz na he’s the son of Jinggoy?

“’Yung advantage, dahil siguro ’yon sa binibigay ng daddy kong advice sa akin. Marami siyang sinasabi na dapat daw mag-focus ako, dapat professional, things like that.”

Eh, ano ba ang pagkakaiba niya sa daddy niya?

“Si daddy kasi suplado, eh. Ako friendly,” natatawa niyang sagot. “’Pag comfortable po ako sa mga tao na kasama ko, hindi po ako nahihiya. ’Pag ’di ko kilala, naiilang po ako,” dagdag pa niya. “At saka si daddy, mataba siya,” pabirong hirit pa ng binata.

Nagbibigay din ba ng advice ang daddy niya tungkol sa lovelife?

“Meron din naman. Huwag daw ako masyadong magmadali kasi bata pa ako… Tapos, ’yon nga. Basta wag lang daw magmadali,” ang tila natitigilan niyang pahayag.

Napag-usapan din ang tungkol sa diumano’y naging relasyon nila ng teen actress na si Julia Barretto. Nung una, hirap si Julian na magbigay ng reaksyon tungkol dito hanggang napilit din siya ng entertainment press.

Naging mag-on ba talaga sila ni Julia? Hirap sagutin ni Julian ang tanong dahil siguro gusto niyang protektahan ang dalaga. Pero sabi nga namin, tapos na ang relasyon nila kaya puwede na niyang aminin ang tungkol dito.

“Naging girlfriend mo ba talaga si Julia,” pagpilit ng press sa binata.

Isang matipid na, “My God, yes!” lang ang isinagot ni Julian sabay ngiti. At least, honest ang binata.

Palabas na ang Relaks, It’s Just Pag-ibig sa Nov. 12. Produced ito ng Spring Films and distributed by Star Cinema.