DJ Durano admits to former relationship with Wenn Deramas

The actor said he is forever thankful for his friendship with Direk Wenn.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/9/2014 7:00 PM
DJ Durano admits to former relationship with Wenn Deramas


100914-dj_main.jpgInamin ni DJ Durano sa interbyu namin sa kanya sa presscon ng Moron 5.2 ng Viva Films na wala na silang relasyon ng direktor ng pelikula na si Wenn Deramas. Pero nananatili raw silang magkaibigan. In fact, tinutulungan pa rin daw siya ng direktor hanggang ngayon.
 
Natutuwa ako na naintindihan niya (Direk Wenn) ang naging desisyon ko. Magkaibigan pa rin naman kami at forever akong magiging grateful sa mga naitulong niya sa akin,” sabi ni DJ na inamin ding meron siyang girlfriend ngayon.
 
Ayon pa sa aktor, hindi niya pinagsisisihan ang naging relasyon nila ng box-office direktor. Ang hindi lang niya matanggap ay ang pagiging ipokrito ng ilan na hinuhusgahan ang kanyang pagkatao dahil sa pagiging vocal niya sa nangyari.
 
Bakit parang ang sama-sama ng tingin nila sa akin?” bulalas agad niya. “Ako lang ba ang nakikipagrelasyon sa gay? I mean, hindi lang naman ako ang gumagawa ng ganito, ’di ba? Marami rin naman diyan, ah! Bakit ako lang ’yung parang hinuhusgahan nila,” pagpapatuloy pa niya.
 
Hindi na namin puwedeng isulat ang mga sumunod na naging pahayag ni DJ kung sinu-sino ang mga aktor na pumatol sa mga direktor at TV executives dahil tiyak madedemanda kami. 
 
On the lighter side, masaya daw si DJ sa piling ng kanyang bagong karelasyon (babae) at sa kanyang teenager na anak sa una niyang asawa.