Dennis Trillo opens up about his son and past relationships

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/9/2014 9:24 AM
Dennis Trillo opens up about his son and past relationships


100914-dennis_main.jpgSa unang pagkakataon ay nag-guest si Dennis Trillo sa Kris TV para sa kanyang pelikulang The Janitor na inirelease ng Star Cinema. Kasama niya si Pokwang sa workout episode ng programa, kung saan parehas nilang sinubukan ang ‘Parkour’.

Sa panayam ng Queen of All Media na si Kris Aquino kay Dennis, ikwinento ng aktor kung paano siya simulang makilala sa showbiz, sampung taon na ang nakakaraan, “Ayun, umpisa nun Aishite Imasu, 2004. At sa ngayon nga ay kinumpirma niyang malapit nang matapos ang kanyang pinapagawang bahay na ibibigay niya sa kanyang buong pamilya. 

Naging bukas din itong pag-usapan ang kanyang anak na lalaki na si Calix sa dating girlfriend, ang beauty queen na si Carlene Aguilar at sinabing maayos na sila ngayon bilang magkaibigan. Aniya, “Importante para sa bata.” Sinabi niya ring bago pa man ipanganak ang kanyang anak ay malabo na sila ni Carlene noon at inabot ng halos tatlong taon para maayos nila ni Carlene ang relasyon nilang dalawa para sa bata. Ayon kay Dennis, “Ayun kaya nung naging normal na lahat. Na-normalize na buhay ko, mas naka-focus ako sa trabaho kaya naging okay.” Sinabi din nito na maayos ang kanyang relasyon sa bagong asawa ni Carlene, sa katunayan ay pumupunta siya sa bahay nina Carlene para sunduin ang anak kung kailangan. “Thankful ako na mabait siya sa akin.”

Nang mapunta naman sa buhay pag-ibig ni Dennis, tinanong siya ni Kris, “Bakit sa girls, why do you break their hearts?” Nakangiting sinagot naman ito ni Dennis. “Hindi ko naman sinasadya minsan eh. Minsan nangyayari sa relasyon lang talaga na hindi lang umuubra, kaya ganun. Hindi ko naman yung ginagawa on purpose para saktan sila,” sabi ng actor. 

Sinabi ni Dennis na dalawang taon na ang nakakaraan ng huli siyang magkaroon ng karelasyon sa kapwa artista na si Bianca King. 

Ibinahagi din niya na halos lahat sa kanyang mga dating nakarelasyon ay maayos ang kanilang paghihiwalay at walang problema sa ngayon. “Si Cristine [Reyes] okay naman kami, matagal na kaming hindi nagkakausap. Si Jen [Jennylyn Mercado], obviously (okay).” Ngunit nilinaw niyang hindi siya nakikipagbalikan kay Jennylyn bagamat close sila. “Hindi, hindi ko siya binabalikan.” At sinabi niyang wala siyang nililigawan sa ngayon sa kadahilanang, “Katulad ng sinabi ko sa The Buzz, ayoko na magkaroon ng pagseselosan ang anak ko.” 

100914-dennis_main.jpgIbinahagi din ni Dennis na sa ngayon kahit na maayos at nakapagpundar na siya ay hindi pa rin parte sa kanyang ‘5 Year Plan’ ang magpakasal at lumagay sa tahimik, “Sa 5 years na sinet ko sa sarili ko, hindi pa sila naka-set sa plano. Siguro after pa ng 5 year plan. Gusto ko pa gumawa ng quality na projects, gutso ko din mag-aral ng Cinematography.” Dagdag pa ni Dennis, “Eversince mahilig na talaga ako kumuha ng mga pictures, mag videos. Siguro magpo-produce din ng kakaibang pelikula na experimental.” 

Natanong si Dennis na kung mabigyan ng pagkakaton kung sino ang nais niyang makatambal na kapamilya leading lady. “Si Anne Curtis,” ang mabilis niyang nagging sagot. Pagdating naman sa mga kapamilya actors, “Dami din, si John Lloyd [Cruz], sila Piolo [Pascual], sila Jake [Cuenca] gusto ko makatrabaho ulit, Gerald [Anderson]. Ang daming pagpipilian, exciting makatrabaho sa Star Cinema"