Bea Alonzo definitely wants to end up with Zanjoe Marudo

Although Bea Alonzo admits that she is still not yet ready to get married, she definitely wants to end up with Zanjoe Marudo.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/9/2014 9:27 AM
Bea Alonzo definitely wants to end up with Zanjoe Marudo


100914-bea_main.jpgSa huling Linggo ng seryeng Sana Bukas Pa ang Kahapon, nagpapasalamat si Bea Alonzo sa lahat ng sumuporta sa kanyang serye. “Happy that they appreciate the show and happy that I was given this kind of opportunity to actually do a complex character, actually two characters nung umpisa. Happy na people are appreciating and people are raving about it and sana hanggang sa dulo gawin nila yun.”

Sa panayam sa kanyang leading man, sinabi ni Paulo Avelino na ang pinakamamimiss niya kay Bea ay ang pang-aasar nito sa kanya. Kaya naman nang matanong si Bea kung bakit gustong-gusto niyang inaasar ang leading man, ang natatawang sagot ni Bea, “E kasi ang tahimik niya ang sarap niyang i-bully, joke lang.” At maging si Bea aminado na hirap din paaminin si Paulo ng tungkol sa kanya. “Mahilig ko kasing ano siya, uriratin. Mahilig akong ‘Ano na?’ ang hirap, ang hirap nagpapakahirap na ako, nagiinterrogate na ako nahihirapan ako. Hindi talaga bumibigay.”

Kamakailan ay nag-trend worldwide sa Twitter ang love scene nila ni Paulo na nalaman pa ni Bea noong nagkaroon siya ng show sa Norway. “Happy ako at least hindi nasayang yung effort namin. Maraming naka-appreciate at pinag-usapan siya.”

Ibinahagi din ni Bea ang pakiramdam na gumawa ng ganung klaseng eksena kasama si Paulo. “Ano naman si Paulo, alam ko na poprotektahan niya ako at hindi magtatake-advantage, I was okay.”

Ngunit sinabi ni Bea na hindi umano nanonood ang kanyang boyfriend na si Zanjoe Marudo kapag may mga eksena siyang tulad ng love scene na ginawa nila ni Paulo. “Hindi niya pinapanood, hindi niya pinapanood yung ganyang mga eksena yung mga love scene-love scene.” 

Sa ngayon ay marami na ang nagdiriwang ng kanilang mga wedding proposals at engagements na mga taga-showbiz. Kaya naman sa tanong na laging ikinakaharap kay Bea kung may plano na ba o napag-uusapan ba nila ni Zanjoe ang kasal, “Hindi pa wala pa kaming ganun, joke joke lang pero hindi talaga.” Ngunit hindi ba siya nadadala sa dami ng nagpo-propose at balak nang ikasal? “Kaya nga, hayaan mo na sila, bigay na natin sa kanila ang moment.” 

Ibinahagi din ni Bea na walang problema sa kani-kanilang mga pamilya. “Oo, close yung family ko sa family niya.” Sa pagiging boto ng kanya-kanyang pamilya sa isa’t isa, ang reaksiyon ni Bea, “Siyempre masaya ako dahil gusto nila ako na maging kapamilya nila pero hindi pa kami ready pero sobrang close ako sa family niya, siya close sa family ko. Both families super close and happy ako and wala na akong ibang hihilingin kung hindi makatuluyan siya.”