Paulo Avelino speaks up about having commitment issues

Paulo Avelino says that being in a committed relationship needs a lot of time and right now, he is primarily focused on work.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/8/2014 9:22 AM
Paulo Avelino speaks up about having commitment issues


100814-paulo_main.jpgMatapos magsalita ni KC Concepcion tungkol sa tunay na estado nila ni Paulo Avelino sa Kris TV (sinabi ni KC na isa sa mga matatalik na kaibigan niya ang actor), sinang-ayunan naman ito ni Paulo sa kanyang presscon. “Tulad siguro ng sinagot ni KC sa interview niya sa Kris TV we are best friends. Nag-uusap naman kami ever since hindi naman nawala yun, wala namang nagbago and ayun, we are friends. Pareho kaming nagtatrabaho ngayon, pareho kaming nagco-concentrate sa trabaho namin, so yun.”

At ng matanong si Paulo kung ang paglalagay ng depinisyon sa kanilang relasyon ay isang senyales na tinatanggal na nila ang posibilidad na magkaroon ng relasyong higit pa sa pagiging magkaibigan, ang naging sagot ni Paulo dito, “Hindi mo masabi kasi magkakaiba tayo ng interpretation ng best friends, pero siguro okay na tayo dun sa friends.”

Ayon kay KC sa interview niya sa Kris TV,Mahaba pa ang ilalakbay ng career ni Pau, marami pa siyang pwedeng gawin… priorities pati rin naman ako Kasi kapag may relationship na ako kahit papaano, may commitment at ako gusto ko magtuloy-tuloy na siya kasi ayoko na magka-boyfriend tapos magbe-break tapos… parang ayoko nan a-heartbroken ka na naman although siyempre the more you get close to a person na parang maa-attach ka.” Sinang-ayunan naman ito ng aktor, aniya, “Tama naman, tama naman yung sinabi niya.”

Natanong din si Paulo kumg hindi pa siya handa para sa isang “commitment” o seryosong relasyon. “Committing is different eh. Siguro now ang dami din kasing kailangang pagtuuunan ng pansin and yun nga hindi mo naman malalaman kung sino ang makakatuluyan mo unless you give time or spend with a person.” At aminado naman si Paulo na ang kanyang panahon ay nakatuon sa trabaho

Hiningan na rin ng Push si Paulo ng reaksiyon tungkol sa naging panayam ng kanyang ex-girlfriend na si LJ Reyes na wala siyang problema kay KC para kay Paulo. “I am happy and thank you.” Si Paulo at LJ ay may isang anak na lalaki, si Aki.