Aminado si Paolo na dumaan siya sa stage, noong 19 years old siya, na nagalit siya sa madalas na pagkumpara sa kanya ng mga tao sa kanyang ama. Ang tendency daw kasi ay “to develop the same expectations that people have of [me] and we never meet the same expectations.”
Kwento ni Paolo, ang worst na nangyari sa kanya ay yung kapag ang mga tao nilalapitan siya at sinasabihan na, “Sana tatay mo na lang ang pumunta.” Disappointed diumano ang mga tao kapag siya ang nagpe-perform. Ayon kay Paolo, ang pinagdaanan niya noon ay isang common experience among celebrity kids.
Ngunit ngayon ay sanay na si Paolo sa mga ganung komento at alam na rin niya na “they don’t really mean to hurt me.” Masaya rin si Paolo dahil he is making his mark as a concert director. Ayon pa sa kanya, “my strongest talent is common sense.” Alam raw kasi niya kung ano ang babagay at dapat na iperform ng isang artist. Bukod pa rito, Paolo encourages artists to perform their songs. Hindi naman daw masama ang pag-cover pero pinapaalala niya lagi na “your fans are coming to see you.”
Given the chance gusto niya rin mai-direct ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo.
Lalabas na rin ang first solo album ni Paolo na “Silence/Noise” kung saan makikita ng tao ang Paolo na hindi pa kilala ng mga tao.