Controversial TV Host, very generous pala

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

10/8/2014 7:02 PM
Controversial TV Host, very generous pala


ogie2.jpgNagpa-MRI (Magnetic Resonance Imaging) ang isang kontrobersiyal na TV host sa isang private hospital.

Kahit naman hindi gaanong abala nowadays si TV host ay masipag siyang alagaan ang kanyang health, lalo na nung minsang magkaroon siya ng heart problem na naagapan naman.


Pero hindi tungkol sa sakit niya ang ating topic, kundi ang isang eksenang hindi makalimutan ng isang TV director.


"Nagkita kasi sila ng anak ko sa ospital. Yung anak ko kasi, inutusan ko magbayad ng hospital bills ng misis ko.


"Nu'ng malaman niya na nandun si misis eh kinamusta niya at right then and there, nagbigay siya ng five hundred thousand pesos sa anak ko pambawas sa napakalaki naming bill.


"'Yung anak ko, ikinuwento niya sa akin yung pagkikita nila sa cashier, kaya ako naman, sobrang na-touch sa naging gesture niya."


Gano'n daw si TV host pag nakipagkaibigan. Kahit hindi kayo madalas magkita, mahilig mang sorpresa, lalo na sa panahong nangangailangan ka.


"Sobra akong na-touch talaga, kaya pinuntahan ko siya nung isang gabi para personal na magpasalamat. Ang laking tulong non."


In fairness, may ganyan ngang ugali ang TV host. Mahilig sumalo sa problema o pangangailangan ng mga kaibigan, dahil feeling nito, "Eh, talaga raw niloob ng Diyos na magkita sila ng anak ko, kaya nangyari yon."


Napa-"Wow!" ako dito ng TV host, in fairness.