Is Maxene Magalona already a kapamilya?

Maxene Magalona can’t say that she is definitely a kapamilya, but says that she just wants to enjoy the moment.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/7/2014 10:38 AM
Is Maxene Magalona already a kapamilya?


100714-maxene_main.jpgSa naging panayam sa guest hurado ng It’s Showtime na si Maxene Magalona, sinabi niyang masaya ito na naging parte siya ng programa. “Sobrang saya ko, sobrang saya kasi dati napapanood ko lang ito sa TV and then now nandito ako live and the energy is just amazing and iba talaga, ang saya. I am just so happy.”

Kaya naman maraming mga lumabas na mga spekulasyon at balita, lalo pa at nag-trending worldwide sa Twitter ang kanyang sample talent na pag-rap sa programa, na ang pagiging hurado ni Maxene sa noontime show ang simula ng kanyang pagiging opisyal na kapamilya. “Actually hindi ko pa pwedeng masagot yan as of now pero right now, as of now I am just so happy to be here and it’s a new environment and as an artist naman all you want to grow is to grow more and be able to do more. So now that I am here I am just really happy and I want to enjoy every minute of it. I am soaking it all in and I am just so happy.”

Sa posibilidad na magkaroon siya ng proyekto sa kapamilya network, naging bukas naman siya dito. “Well, ang tagal ko na kasing hindi nagco-comedy kaya I am open to comedy. Pero siyempre I am open to doing all kinds of roles, ano pa yan, no matter what. I mean just to be here, sa ABS na after so many years in showbiz and now that I am here I am open to do anything siyempre and I just want to have fun.”

Isa din sa kanyang mga hiling ang makatrabaho ang ilan sa mga kapamilya leading men tulad ni Piolo Pascual at ni Jake Cuenca. Aniya, “Siyempre si Papa P, gusto kong makatrabaho si Papa P and well si Jake. Si Jake Cuenca kasi last ko siyang nakatrabaho nung nandun pa siya sa kabila and ano pa ako nun e, 15 years old and now it’s been so many years na and I have seen how he has grown as an actor and I really want to be able to try to work with him.”