• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola admits she was speechless upon seeing JM De Guzman in UP

Jessy Mendiola admits she was speechless upon seeing JM De Guzman in UP

The actress recounts what happened when she saw her ex-boyfriend again for the first time.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/4/2014 11:50 PM
Jessy Mendiola admits she was speechless upon seeing JM De Guzman in UP


10414-jessy_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, isang “very gorgeous” na Jessy Mendiola ang na on-the-spot tungkol sa muling pagkikita nila ng kanyang ex na si JM De Guzman at tungkol sa kanyang bagong pelikulang The Trial.

Ayon kay Jessy, nagkita sila ni JM sa UP oval kung saan pareho silang tumatakbo. Kahit na raw maraming nagpayo sa kanya na maging prepared sa una nilang pagkikita ng kanyang ex, ay natulala siya at hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya nang sila ay nagkita.  Ngunit ayon kay Jessy, “I’m happy for him. Wala akong naalalang bad memories..” 

Pumunta rin si Jessy sa birthday party ni JM, at kwento ng dalaga, “nanghihina ang tuhod” niya bago siya pumasok sa bahay nila JM. Na-surpresa raw si JM sa kanyang pagdating at naging maayos naman ang lahat.  

Kumusta naman kaya ang kanyang Colombian suitor na si Sebastian Lopez? Kwento ni Jessy, “he went here for me before he went to Europe,” ngunit diumano kasabay ito ng pagdating ng Dad niya kung kaya wala sila masyadong time magkita. Very understanding naman si Sebastian at kapag may time ito e pinupuntahan si Jessy. Ngayon, busy na nag-aaral si Sebastian sa University of Colombia. Hindi naman isinasara ni Jessy ang posibilidad na maging sila ni Sebastian. “Why not, pag bumalik siya dito…” 

Hindi nagde-date nagyon si Jessy dahil lahat ng focus niya ay napunta sa kanyang latest film with John Llyod Cruz na “The Trial.” Ayon kay Jessy, love interest siya rito ni John Lloyd. Proud rin si Jessy dahil ayon sa kanya, “I did my best in this film.

Kinabahan si Jessy dahil nakatrabaho niya sa pelikulang ito ang mga batikang aktor at aktres katulad nila Gretchen Barreto at Richard Gomez, kasama na rin ang direktor na si Chito Rono, ngunit masaya si Jessy dahil “they guided me well.”