Maxene Magalona can’t be friends with her exes

Maxene Magalona says five months is the longest time that she hasn’t been in a relationship.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/31/2014 9:06 AM
Maxene Magalona can’t be friends with her exes


103114-AATMaxene_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, inamin ni Maxene Magalona na five months ang pinakamahabang panahon na wala siyang boyfriend. Kwento ni Maxene, una siyang pumasok sa isang relationship noong siya ay 17 years old at nagdire-diretso ang kanyang mga naging relationships for ten years. Ngayon diumano, limang buwan na siyang walang boyfriend at gusto niya umabot pa ito ng one year.

Inamin rin ni Maxena na, “I can’t be friends with my exes.” Hindi rin siya nakikipag-usap sa mga naging past boyfriends niya. Paliwanag ni Maxene, “because ganun talaga nag-end. Almost all my breakups were really, really bad.”

Okay lang naman kay Maxene na hindi niya kaibigan ang mga naging boyfriends niya. “Ang dami ko namang friends e.” Matapang rin na inamin ni Maxene na, “Sila yung nakipag-break sa akin e.” Agad naman itong binawi ni Maxene at sinabi niya na, “Well mostly, it was always mutual.”

Hindi na rin daw mahalaga kung sino ang naunang nakipag-break. “Dapat ‘wag na pansinin kung sino yung nakipag-break as long as you both know that you’re not meant for each other or it’s not going to work out. It’s still a brave decision for you to say ‘wag na, tama na.”

Tinanong naman ni Queen of All Media Kris Aquino kung bad breakup rin ang nangyari sa kanila ng kanyang ex-boyfriend na si Renz Fernandez. Ayon kay Maxene, hindi naman daw pero hindi na rin sila nag-usap. Lahat rin ng exes ni Maxene ay “in-unfollow” niya sa social media.

Ano naman kaya ang greatest lesson ni Maxene pagdating sa love? Sagot ni Maxene, “Kailangan mo talagang mahalin ang sarili mo, if not, it’s not going to work out ever.”

Kaya naman trabaho lang ngayon ang iniintindi ni Maxene. Biro pa nito, “Ayaw ko pang mag-date, baka magselos ang career ko.” Isang malaking blessing para kay Maxene ang pagbabalik niya sa Kapamilya network. Kwento niya, almost one year na siyang walang trabaho bago siya bumalik sa ABS-CBN. Dagdag pa ni Maxene, “Pagtuntong ko dito (ABS-CBN), biglang sunod-sunod. Praise God. Feeling ko nanaginip ako ng gising. ”

Dream Dad ang inaabangang telerserye ni Maxene sa ABS-CBN.