Inigo Pascual admits “M.U.” with Sofia Andres

Piolo Pascual’s son was not shy to admit there’s something between him and Sofia.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/31/2014 10:28 PM
Inigo Pascual admits “M.U.” with Sofia Andres


110114-inigo_main.jpgMay pasabog agad si Inigo Pascual nang humarap siya sa entertainment press para sa presscon ng first movie niyang Relaks, It’s Just Pag-ibig na prinodyus ng Spring Films at idi-distribute ng Star Cinema.

Sa intimate interview, inamin ni Inigo na ka-MU (mutual understanding) niya ang leading lady nila ni Julian Estrada sa movie na si Sofia Andres.

We’re closer than friends,” pag-amin ng anak ni Piolo Pascual. “We have this special relationship, we have this bonding na we both know na there’s something, but you know, we’re still young, we should not focus on that kind of stuff yet,” dagdag pa ng binata.

Pero hindi pa raw naman seryosohan ang lahat, ayon pa rin kay Inigo.

We’re not taking it seriously, we’re not focusing on that, we’re not making it a priority but we both know where we stand.

Eh, ano ba talaga ang status ng relasyon nila ngayon ni Sofia? 

We’re MU, mutual understanding,” sagot niya.

Mukhang dire-diretso na ang pagpasok sa showbiz ni Inigo dahil after Relaks, It’s Just Pag-ibig, na showing na sa Nov 12. Gagawin naman niya ang isang pelikula sa Viva Films kasama  si Julia Barretto titled Para sa Hopeless Romantic.

I did Relaks last year while I was on vacation from school,”  kuwento pa niya.  Ayon pa sa binata, biglaan ang offer ng Viva at wala talaga ito sa kanyang plano.

The offer of Viva came from nowhere. But I’ll still continue with my studies. I’m doing home school and I have time to do something. Nag-o-online school po ako. Education is still important to me. I’m gonna finish it,” paninigurado pa ng binata dahil ito raw ang pangako niya sa ama.

Balak daw ng mag-ama na mag-travel muna pagkatapos “mag-retire” ni Piolo sa showbiz two years from now. Pero posible raw na mabago pa ang plano.

I just wanna be able to spend time with him since I grew up in the States, I wanna be able to spend a good time with him. Our plan was after high school, we would spend time together since he’s thinking of retiring. But we still don’t know if that’s gonna happen. We were planning on travelling and spending time together,” kuwento pa niya.

 Relaks, It’s Just Pag-ibig is under the direction of Antoinette Jadaone and Irene Villaflor. Si Bb. Joyce Bernal naman ang editor ng pelikula.