Director Wenn Deramas shares third eye experience

The box-office director says since he was a child he has had this 'gift.'

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/31/2014 10:19 PM
Director Wenn Deramas shares third eye experience


110114-wenn_main.jpgHindi nawawala ang kuwento ng katatakutan kapag Halloween Season. At isa sa showbiz personalities na may kakaibang “gift” ay ang box office director na si Wenn Deramas. Hindi nawawalan ng ganitong mga kuwento si direk at masarap making sa kanya kapag ganito ang tema ng usapan.
 
“Alam ko na 11 years old pa lang ako ay may mga nakikita na ako. Ibig sabihin reluctant lang ako dahil ibang dimension nayan eh minsan nakakatulong minsan mayroon tayong mga flashes pero hindi ko ini- encourage kasi nagbabasa rin ako ng Bible. Hindi ito basta basta gift isa siyang responsibilidad."
 
Sa hindi inaasahang mga pagkakataon biglang nakakakita si Direk Wenn ng mga pangyayari na magaganap pa lang kayat nasasabihan niya agad ang mga tao sa paligid niya.
 
“Alam mo minsan yung assistant director ko habang nasa kwarto ko ako, biglang nag-flash sa akin na he is driving and may aksidente so agad agad tinawagan ko siya sabi ko nasaan ka sabi niya nasa Nueva Ecija at nakikipag inuman. Sabi ko huwag ka mag drive sabi niya bakit daw at natatawa pa. Noong hindi siya maniwala sinabi ko na nakita ko na naaksidente siya at ang suot niyang tshirt ay green na may ganitong design, tiningnan niya yun nga ang suot niya, sabi ko maniwala ka sa akin. So natuloy ang inuman hatinggabi nag drive, naaksidente siya buti na lang nabuhay siya. Mabuti na lang ang nangyari sa kanya eh medyo nabali lang ang legs.”
 
Ganito rin ang nangyari ng mag plano sila kasama sina Direk Andoy Ranay at Karla Estrada na magpahinga sa isang resthouse sa north.
 
“Isa pang nangyari pupunta kami dapat sa isang resort sa north kasama ko sina direk Andoy at si Karla Estrada, biglang may nag flash sa akin na akisidente ulit pati blocking naming sa kotse nakita ko. Kinausap ko si Andoy na hindi na lang ako sasama dahil kapag dalawa lang ang umalis maiiba ang nangyari. Tumuloy pa rin sila, sobrang antok si Andoy along the way natulog muna siya at nagising siya umaga na sa daan ganoon siya kaantok. So baka kung sumama ako titiisin niya ang antok niya para makarating kami agad sa rest house at doon maganap ang aksidente.”
 
Iba-iba ang mga di maipaliwanag na siya lang ang nakakakita na minsan hindi niya na lang pinapansin.
 
“Hindi ko siya wini welcome eh. Pero minsan pinagpapasalamat ko kasi nagiging warning siya sa mga bagay na pwede mangyari.”
 
Pero ano man ang mga tagpo na makita ni Direk Wenn, ang pananalig pa rin sa Panginoon ang mahalaga at nagiging tulong na lang ang kanyang “gift” para sa ikabubuti ng lahat.