Aktor, kulang pa din sa acting!

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

10/31/2014 3:00 PM
Aktor, kulang pa din sa acting!


103114-blind_main.jpg"Whuaaaat?!! Naka-take 32?!! Hindi nga? Ang exaggerated naman!"

"That's true, Mama Ogie! Naloka rin kaming nasa set dahil alam mo naman  ang teleserye, di ba? Mga 25-40 sequences ang tinatapos kada taping, 'di ba? Ayun, awa ng Diyos, hindi namin naa-achieve yon dahil nga sa kanya." 

Ang tinutukoy ng aking source ay ang guwapong young actor na kung paniniwalaan ko ang itsinika ng kausap ko eh ilang serye na rin ang nagagawa at me box office hit na rin ay huh? Wala pa ring improvement?

"Kaya nga that time na paulit-ulit ang eksena pero hindi pa rin niya nakukuha ang tamang acting at nakakahiya na rin sa ka-eksena niya eh tinawagan na namin ang acting coach at pinapunta sa set. Ayun, awa naman ni Lord, nung winan-on-one siya ng acting coach niya, finally! Nakuha na niya ang eksena!

"Nakakalungkot lang, Mama Ogie, ang tagal na rin niyang artista, pero wala pa ring lalim ang acting niya."

Anyway, kung may nangyari mang ganito talaga eh baka pwedeng more acting workshop pa, dahil sayang naman ang gandang lalaki ng isang artista kung bano naman sa acting?

Kaya yan, Bagets. Pasado ka na sa pagpapaguwapo at pagpapa-cute. Acting na lang, pasok ka na sa puso ko.