• Home
  • Fresh Scoops
  • Janine Gutierrez happy that her family approves of Elmo Magalona

Janine Gutierrez happy that her family approves of Elmo Magalona

The young actress says even her hard-to-please grandmother likes Elmo.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2014 8:48 AM
Janine Gutierrez happy that her family approves of Elmo Magalona


PUSH-HEADLINE.jpgBeauty queen material si Janine Gutierrez, anak nina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez, pero hindi niya raw kailanman ikinonsider na sumali ng beauty pageant.

“Ayoko po talaga. My mom is convincing me nga, pero ayoko talaga. Hindi ko nakikita ang sarili ko na sumasali ng beauty pageant,” nakangiting pahayag ng dalaga.

“Pero wala naman po akong fear sumali, pero mas gusto ko po talagang mag-artista, gusto ko po talagang matutong maging mabuting artista... Nakaka-flatter po yung mga nag-i-encourage, pero ito (pag-aartista) po talaga ang gusto ko,” dagdag niyang paliwanag.
 
Suportado ni Lotlot ang relasyon ni Janine sa kasintahang si Elmo Maglona.
 
“Nung umamin kami, si mama nag-tweet pa, ‘congratulations, happy for you,’ talagang masaya kasi siya para sa akin na masaya ako. I’m sure nakikita niya naman ‘yon... Di ba ang mga nanay may psychic powers naman yan, eh. So ayun , thankful din ako na talagag... supportive din talaga si mama, eh.
 
Maging ang lola niyang si Pilita Corrales, boto rin daw kay Elmo.
 
“Actually nagulat nga din po ako kasi sa buong pamilya ko siguro si Mamita na yung pinaka-hard to please, di ba? Eh, nung pinakilala ko si Elmo, talagang... kulang na lang yakapin niya, yung parang she was really happy.”
 
Ano ba ang nagustuhan niyang qualities ni Elmo?
 
“Elmo is a really nice guy naman. Kapag nakilala mo siya, magiging kampante ka din sa kanya kasi maalaga siya, he’s very supportive. And siguro, natutunugan din yon ng mga magulang ko kaya nagtitiwala sila na okey ako kay Elmo,” she replied.
 
Ayaw sabihin ni Janine kung ilang buwan na ang relasyon nila ni Elmo. Ang kuwento lang niya, “a couple of months” na silang mag-on.