• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaclyn Jose on Andi Eigenmann and Jake Ejercito: 'Let them be'

Jaclyn Jose on Andi Eigenmann and Jake Ejercito: 'Let them be'

The actress says her daughter is independent and solves her own problems. By leo bukas

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/30/2014 8:24 AM
Jaclyn Jose on Andi Eigenmann and Jake Ejercito: 'Let them be'


103014-jaclynJose_main.jpgHalatang nagsasawa na si Jaclyn Jose sa isyu tungkol sa on and off relationship ng anak niyang si Andi Eigenmann kay Jake Ejercito na anak naman ni dating Pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez.

“Hindi pa ba kayo nagsasawa (sa isyu)?  Hindi ba kayo napapagod sa isyu na ‘yan? Move on na tayo. Hayaan na natin sila. Kami, hindi na namin pinapansin, eh.

“Kung mag-away man sila, magbati, mag-away, magbati. okey lang yon, they’re only human. Ganu’n naman talaga ang nangyayari sa totoong buhay, eh. If they want to fight, go, let them fight.  If they want to go back to each other and love each other again, then let them be,” simulang pahayag ng aktres sa aming interbyu.

Ayaw kumpirmahin ng aktres ang balitang nagkabalikan na ulit si Andi at Jake.

“Ayoko nang pakialaman ulit ang love life niya. Ayoko nang mangialam. Di ba nagkagalit kami ni Andi, tapos nagkabati na kami, tapos sabi ko, ayoko na ulit pakialaman ang love life niya kasi ayoko nang mag-away kami.
 
“Hindi naman siya nag-o-open up sa akin. Siguro kailangan niya munang salain yung utak niya, kung ano talaga...  Actually, hindi niya naman ako nilalapitan for any advice, eh. Nakakaya niya naman lusutan on her own, kaya niyang harapin,” she said.
 
Nilinaw din ni Jaclyn na walang isyu sa kanila ni Laarni Enriquez.
 
“Ah, okey na... Okey naman kami (ni Laarni). What I heard is... she’s even inviting us for lunch or dinner. Wala namang ano... wala naman,” pahayag pa niya.
 
Idinagdag din ni Jaclyn na labas sila ni Laarni sa isyu nina Jake at Andi. 
 
“Magkaibigan naman sila ng sister ko, eh. Kumbaga, labas yung friendship sa isyu nung dalawa, parang ganun,” sey pa niya.
 
Jaclyn encourages her daugther na mag-enjoy ang sa buhay niya ngayon.
 
“Kung anong ginagawa niya na sa tingin niya, eh, masaya siya, go ahead and continue, live a life,” sabi pa ng aktres.
 
“ Life is so short and life is beautiful. Enjoy. Go ahead. Walang problema sa akin yon. Alam ni Andi kung anong ginagawa niya,” confident pang pahayag ni Jaclyn.