Sexy actor, pamhinta?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

10/3/2014 6:51 PM
Sexy actor, pamhinta?


100314-ogie_main.jpgIsa sa iilang nagkaroon ng latest phone model ang isang good-looking and sexy actor.  Ipinost pa nga niya ito sa kanyang Instagram account.  At mula nga doon sa post na 'yon ay may nagtsika sa akin na, "'Yung phone na 'yon, bigay ng dyowa niyang bading!"

Noon ko pa naririnig na may dyowa itong "pamhinta" na napakayaman dahil meron itong isang bonggang company.   Kaya nga madalas din silang mag-out of the country at kitang-kita naman 'yon sa kanyang Instagram account kung saan lagi siyang may selfie, pero tila malayo ang shot, kaya alam mong may kasama siya.

Itinanong ko na rin ito sa bagets, pero ito'y idinenay niya.  Lahat daw ng trips niya at yung mga ipinambibili niya ng gadgets ay galing sa sarili niyang bulsa.

Pero ito ngang pagkakaroon niya ng latest phone model na pagkamahal-mahal ay ang sabi, bigay ng dyowang pamhinta.  At sa palagay n'yo kaya eh itatanong ko pa sa bagets kung totoo ito kung alam ko naman na kung ano ang isasagot, 'di ba?

Kunsabagay, hindi naman uso sa showbiz 'yung aamin ang isang aktor na, "Yes, dyowa ko ang bading na 'yan.  And we're happy!" kaya maiiintindihan din kung bakit kailangan itong itago, lalo na kung ang projection ni bagets on cam ay sexy at pinagpapantasyahan ng mga girls and gays.

"Pamhinta rin si bagets, Mama Ogs!" sabi pa sa akin ng source.  "Juice ko naman,  tago rin ang bagets, kaya pansinin mo sa akting, ume-effort talaga siya na magpakalalake.  Kaya pansinin mo ang mga Instagram posts niya, may mga selfie siya na shirtless siya at talagang ipinapakita niya ang ganda ng katawan niya.  Alam na, di ba?  Eh, normally, ang mga silahis,  lalo na du'n sa mga nagpapaganda talaga ng katawan, panay ang selfie nang walang damit."

Ah, gano'n ba?  Eh, pa'no ako?  Hindi naman ako nagse-selfie nang nakahubad,  does it make me a real man?

Hay,  nako!  Makabili na nga lang ng latest model na 'yan.  Yes, bibili na ako.