• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual all set for a Valentine movie with Sarah Geronimo

Piolo Pascual all set for a Valentine movie with Sarah Geronimo

Piolo admits working with Sarah is one of his dream projects.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/29/2014 11:19 PM
Piolo Pascual all set for a Valentine movie with Sarah Geronimo


102914-piolop_main.jpgHalos araw-araw na ang taping ni Piolo Pascual para sa teleseryeng Hawak Kamay, nakausap natin siya ng exclusive sa ating set visit sa kanilang taping at dito nai kuwento ni Piolo ang mga plano niya after ng teleserye. Ibinigay na rin ni Piolo ang good news na finally magkakasama na sila ni Sarah Geronimo sa isang romantic movie na naka schedule na ipalabas sa Valentines Day. 

“Magpapahinga ako ng mga ilang araw hindi naman pwede na matagal na pahinga hindi ko pa alam bahala na si Batman pero magsisimula na kami ng pelikula with Sarah for valentines kaya hindi ko alam kung paano ko magagawa magpahinga. Pero ayun may playdate na siya, goodluck pero Christmas vacation  meron naman pero priority pa rin ang trabaho.”

After ng record breaking success ng “Starting Over Again” magandang follow up nga naman kay Piolo sa pelikula na ang Pop Princess naman ang makasama niya.

“Matagal ko na rin piangarap na makasama si Sarah so finally ito na nga nakapag pitch na sila sa amin pareho and excited ako sa project na ito.”

Sa kanya namang anak na si Inigo Pascual na aktibo na ngayon sa pag aartista, hindi naman itinatago ni Piolo na maingat siya sa kanyang anak lalo na sa mga issue na idinidikit ditto kaya busog daw ito sa kanyang pangaral.

“Tumatanda talaga ang tao noong nasa LA kami magkasama kami ni Marge (Barretto) sabi ko grabe pinag uusapan namin ang mga anak namin tapos nakita ko si Julia sabi ko mag ingat kayo dalawa, hinay-hinay lang minsan parang nakakatuwang isipin si Marge nakakasama sama ko lang, magkakaibigan kami nila Clau tapos ngayon mga anak na namin ang artista pero ok na rin yung ganoon na may pinapagka tandaan tayo and at the same time nakikita natin yung mga anak natin na sila naman ang mag take over at nabibigyan ng magandang opportunity.”

Ibinigay na rin ni Piolo ang kanyang basbas sa anak na pwede na ito manligaw at mag girlfriend para maaga ito matuto at maging responsible sa mga desisyon nito.