Rachel Alejandro returns to doing concerts and movies

The singer-actress will be staging a concert with her father Hajji and brother Ali.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/29/2014 1:00 AM
Rachel Alejandro returns to doing concerts and movies


102914-rachel_main.jpgMagkakasabay na nagpa interview sina Hajji Alejandro at mga anak na sina Rachel at Ali Alejandro para sa In The Blood concert na first time nila pagsasamahan sa Music Museum sa November 15 at 29 with Nino and Eddie Alejandro.

Naibahagi ni Rachel ang mga namana niya sa kanyang ama na si Hajji.

“The love for music has been passed down from parent to child brother to sister so nasa dugo kaya nga IN THE BLOOD at hindi lang in the Alejandro blood nasa dugo natin pinoy ang love for music. Everytime na nasa stage siya nage enjoy ang mga tao sa kanya kasi siya mismo ini enjoy niya ang sarili niya as they say if people can see that you are having a good time they will have a good time with you.”

Nasa rehearsal stage na ngayon ang production ng movie version ng Ang Larawan kung saan si Rachel ang gaganap sa papel ni Paula at si Joana Ampil naman ang gaganap na Candida.

Ngayon nag umpisa na kami mag rehearse its going to be a very long rehearsal process kasi talagang binubuo eh konti-konti thru out kasama of course the legends Ryan Cayabyab, Loi Arcenas from the original work of Nick Joaquin and Rolando Tinio so it’s a really, it’s a lot to live up to, parang gusto naming pagandahin ng husto.

Ito na siguro ang sagot ng Pinas sa stage musicals na naging pelikula gaya ng Evita, Les Miserables at Phantom of the Opera. Star studded din ang cast ng ambitious project na ito.

“Very intensive rehearsals talaga with Joana Ampil tapos pumasok na rin si Robert Arevalo si Celeste Legazpi, Noni Buencamino yun ang mga nagre rehearse so far si Chris Villongco will be part of it as well. Si Tom nag rehearse na rin ng once so far sa amin. Fresh na fresh sa kanya ang material so talagang nakakatuwa tinuturo pa lang sa kanya ni Mr C lahat ng parts niya we are all very excited pero it will be a while pa mga next year pa ang shoot nito. So sa ngayon binubuo pa lang ng unti-tunti sa rehearsals.”

May kakaiba rin na busisi ang nagaganap na ayaw muna i-detalye ni Rachel pero magugulat daw ang mga manonood.

“For cinema baka hindi kayanin talaga na puro kantahan so ang ginagawa naming some parts ginagawang spoken so may mga spoken parts may mga kanta pero its very unique kasi magugulat na lang sila kung paano natatahi, its going to be the first of its kind.”

Magiging family get together ng mga Alejandro ang concert nila na natuloy na rin matapos ang matagal na planning. Inaasahan ni Hajji at ng family members na magugustuhan ng audience ang walang kupas nilang musika.