Matagumpay ang pagbabalik ng The Voice of the Philippines noong Linggo. Nakapanayam ng Push ang
mga hosts na sina Luis Manzano at Toni Gonzaga at bago pa man sila umere at
naibahagi na nila ang kanilang excitement lalo pa at muli silang magkakasama sa
isang programa. Kwento ni Toni, “Mas excited ako kasi meron akong ka-tandem.
Iba yung may ka-tandem ka sa hosting eh. Lalo na yung level of comfortablility
ko kay Luis, yung trust naming sa isa’t isa, yung alam ko na somebody’s got my
back sa stage. Hindi na kailangan mag-effort, yung chemistry na meron kami from
the previous shows na na-host naming dalawa and I think it’s a good idea na
pinagmerge ang The Voice Kids at The Voice na Season 1 tapos dito sa
Season 2 pinagsama kaming dalawa.”
Napanood man silang nagkakasama na noon sa mga talk shows at ilang mga programa, ito ang unang pagkakataon na silang dalawa lang ang magkakasama. Ayon kay Luis, “Obviously Toni is a long time friend and we’ve hosted E-live ng matagal-tagal then PBB. Pero ito yung first talaga namin na kaming dalawa lang talaga na onstage din. Although may mga video reporters tayo pero for PBB nandun pa si Bianca (Gonzalez) nung panahon na yun, si Mariel (Rodriguez). Kumbaga, technically it is still a first for Toni and I.”
Kwento din ni Toni na matagal na niyang hiling na makasama sa hosting si Luis, “And I have always been so vocal even before na gusto ko makatrabaho si Luis sa mga talk show, ganyan, ‘di ba? Gusto ko talaga makatrabao si Luis kasi iba talaga yung chemistry na nabuo na namin sa hosting.”
Nang matanong kung ano ang pagbabagong makikita sa kanila sa
The Voice, para kay Luis, “You know
what, that is for other people to say. Ayaw kong buhatin ang sarili kong banko
na ‘ito na yung mas maganda sa akin.’ You know after a good 10 to 11 years in
the industry, I guess every day is a learning experience, it will never end. I
mean yung growth na yun it’s for the audience, that’s for production to say,
mahirap naman kung sa amin manggaling.”
Pero para kay Toni, walang pinagbago si Luis. “Siguro tumatalino lang siya over the years because of his experience at saka iba yung confidence level every year ganyan kasi. Like what I said kanina hosting is a never ending learning experience and every time you host a different kind of show, it gives you a kind of confidence mo na yung next na task na ibibigay sa akin mas maha-handle ko ng mabuti kasi magandang training yung napagdaanan ko nung dating show.”
Nagsalita din si Luis tungkol sa pagsama nila ni Toni at ang lapatid nitong si Alex sa The Voice. “You know I love these two people, they are two very fun ladies to be with. They are not just co-hosts, they are my friends and that makes everything worth it. Kumbaga tanggalin niyo ang Voice, tanggalin niyo lahat ng project namin, sa likod ng camera I can easily text Toni, I can easily text Alex, so for me it’s something pleasant.”