• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya stars share their plans for All Saint’s Day and All Soul’s Day

Kapamilya stars share their plans for All Saint’s Day and All Soul’s Day

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/28/2014 11:12 AM
Kapamilya stars share their plans for All Saint’s Day and All Soul’s Day


102814-pushpin_main.jpg

Ang All Saint’s Day at All Soul’s Day ay pagkakataon na makapagsama-sama ang mga kapamiliya para maka-alay ng kaunting panahon para sa mga sumakabilang buhay na. Naging tradisyon na sa ating mga Pilipino na magbigay ng respeto sa ating mga namayapa nang mahal sa buhay.

102814-enchong_main.jpg

 Tulad ng maraming pamilyang Pilipino, ang mga Kapamilya stars ay may sari-sariling tradisyon at plano sa holiday na ito. Ibinahagi ni Enchong Dee na sa tuwing sasapit ang Araw ng Undas, may tradisyun ang kanyang pamilya. “Oo, natutulog kami sa sementeryo, Loyola saka North Cemetery.” Ngunit sa taong ito ay nasa ibang bansa ang aktor para sa ilang mga palabas. “Nasa tour kami, nasa Dubai kami at Doha.” Kaya naman ang kanyang mga kapamilyang naiwan dito ang gagawa ng kanilang nakagisnan. “Ngayon may work [ako], so sila ngayon.”

102814-jason_updates.jpg

Si Jason Abalos naman ay abala sa trabaho lalo pa at patuloy ang mainit na suporta sa kanyang teleserye na Two Wives. Aniya, “Feeling ko nagtatrabaho kami kasi naghahabol kami eh.” Ngunit kung may pagkakataon ay hindi naman nakakalimot si Jason na bumalik sa kanyang probinsya para magbigay pugay din sa mga namayapa niyang mahal sa buhay. “Uuwi siguro, kapag may panahon uuwi ako sa amin sa Nueva Ecija.”

102814-regine_updates.jpg

Si Regine Angeles naman na napapanood din ngayon sa Two Wives at Hawak Kamay ay inaming dahil sa relihiyon na Iglesia ni Cristo, hindi nila ginagawa kung ano ang nakagisnan at naging tradisyun na ng mga Katolikong Pilipino sa Undas. “Kasi we don’t celebrate that dahil Iglesia ako. Birthday ko ng October 29 so we are going to celebrate with the family. Yun lang siguro bakasyon...”

102814-erich_updates.jpg

Ang Two Wives star na si Erich Gonzales naman ay patuloy pa rin ang trabaho kahit sa araw na ito, “Magtetaping po ata, kung wala naman po trabaho, house na lang siguro, rest. Hindi rin naman ako palalabas talaga. Galing akong Europe so yun na muna siguro. Next time na bakasyon, yun na lang muna.”