

Si Jason Abalos naman ay abala sa trabaho lalo pa at patuloy
ang mainit na suporta sa kanyang teleserye na Two Wives. Aniya, “Feeling ko nagtatrabaho kami kasi naghahabol
kami eh.” Ngunit kung may pagkakataon ay hindi naman nakakalimot si Jason na
bumalik sa kanyang probinsya para magbigay pugay din sa mga namayapa niyang
mahal sa buhay. “Uuwi siguro, kapag may panahon uuwi ako sa amin sa Nueva
Ecija.”

Si Regine Angeles naman na napapanood din ngayon sa Two Wives at Hawak Kamay ay inaming dahil sa relihiyon na Iglesia ni Cristo,
hindi nila ginagawa kung ano ang nakagisnan at naging tradisyun na ng mga
Katolikong Pilipino sa Undas. “Kasi we don’t celebrate that dahil Iglesia ako.
Birthday ko ng October 29 so we are going to celebrate with the family. Yun
lang siguro bakasyon...”

Ang Two Wives star na si Erich Gonzales naman ay patuloy pa rin ang trabaho kahit sa araw na ito, “Magtetaping po ata, kung wala naman po trabaho, house na lang siguro, rest. Hindi rin naman ako palalabas talaga. Galing akong Europe so yun na muna siguro. Next time na bakasyon, yun na lang muna.”