• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban reveals relationship status with John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban reveals relationship status with John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban says she tired of all the rumors surrounding her relationship with John Lloyd Cruz.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/28/2014 8:35 AM
Angelica Panganiban reveals relationship status with John Lloyd Cruz


102814-angelica_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, para kay Angelica Panganiban ang pinakaimportanteng natutuhan niya sa 20 years niya sa showbiz ay “pakikisama.” Mas importante raw kasi na purihin ka ng tao sa maayos na pakikisama kaysa sa magaling na pag-arte. 

Bilang isang magaling na aktres naman, sinabi ni Angelica na wala siyang technique sa pag-arte kundi ang “aralin at namnamin ang role niya.” Inamin rin ni Angelica na she doubts herself all the time as an actress.

Kaugnay ng kanyang upcoming movie na Beauty in a Bottle, para kay Angelica “simplicity” ang definition ng beautiful. Mas lumalabas daw kasi ang ganda ng isang babae kapag wala siyang makeup at hindi siya maarte manamit.

Ano naman kaya ang mga love lessons na natutunan ni Angelica over the years? “Wala pa rin yata,” sagot ni Angelica. Lagi raw sinasabi ng mga tao na kapag na-in love ka “magtira ka ng para sa sarili mo kahit one percent lang,” ngunit ayon kay Angelica, mahirap ma-measure kung may natitira ka pa sa sarili mo. Kaya naman, basta she makes sure na, “may respeto ako sa sarili ko, sa partner ko, sa mga taong mahal niya at ganun din siya sa akin.”

Kumusta naman kaya ang relationship niya with John Lloyd Cruz? Napapagod na kaya si Angelica sa walang tigil na pang-iintriga sa kanila? Kwento ni Angelica, “walang moments na nakakapagod. Actually, nakakatakot nga na three years na kami, hindi pa rin kami nag-aaway nang malala.”Hindi rin si Angelica defensive kapag nagpo-post siya ng mga pictures nila ni Lloydy na masaya. Gusto lang raw niyang i-share ang saya na nararamdaman nila. Dagdag pa niya, kahit na mas private na tao sa kanya si Lloydy ay ito pa raw mismo ang nagsasabi sa kanya minsan na mag-post ng pictures nila.