• Home
  • Fresh Scoops
  • Arnel Pineda reveals his life story is being turned into a Hollywood film

Arnel Pineda reveals his life story is being turned into a Hollywood film

The musician also shares he's opening a reality talent search in Asia.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/26/2014 1:35 PM
Arnel Pineda reveals his life story is being turned into a Hollywood film


102614-arnel_main.jpgMalaking budget ang isusugal ng pinoy international recording artist na si Arnel Pineda sa pagsisimula ng Asian Music Camp, isang reality talent search na hahanapin sa buong asia ang pinaka mahusay na banda.

Open ito sa lahat ng grupo at walang age limit, mag submit lang ng kanilang audition videos na kumakanta ng isang original song at isang cover song sa web site ng Asian Music Camp (www.asianmusicamp.com) simula January 1,2015 hanggang March 31,2015.

Ito rin ang paraan ni Arnel na masuklian ang lahat ng blessings na dumating sa kanya.

“Alam mo naglaro ito ng mag start pa lang ako sa banda eh sa Journey. Na expose ako sa international scene ng ganun-ganun lang thru youtube at dahil sa kaibigan ko so naisip ko bakit hindi magkaroon ng ganito contest para magkaroon tayo ng mga bago at de kalibre na Asian musicians, singers at magkaroon ng exposure internationally yung husay nila talagang ma expose world wide na. Alam ko nandoon na tayo sa level na iyon pero andami pa natin dito na kailangan ng tulong at ito ang kailangan natin expose ngayon para malaman na natin kung sila na nga ang next big thing."
 
Dapat in English ang mga kanta na ipo-post ng hopefuls na gusto mag audition dahil target talaga ng grupo ni Arnel ang international market para sa mga madi discover nila.

“Unfortunately ni-re-require talaga naming now marunong mag English kasi aminin natin o hindi ito kasi ang universal language para mas madali natin sila mai market kasi after the contest they can write songs in their own language na mas malaki na ang fan base nila. Kasama rin ditto ang record deal, world tour and one million US dollars.”

Dito sa Pilipinas magaganap ang lahat ng competition ng Asian Music Camp at ngayon pa lang nililinaw na ni Arnel na hindi siya magiging bias lalo na kung Pinoy ang contestants.

“Yung tao naman ang boboto sa kanila. Kailangan tao ang mag decide kung sino ang markado na music at appearance sa stage. Magmula umpisa hanggang huli may mga judges tayo sa first 50, sa 20, hanggang sa top ten yan kahit saan man galling ang mga finalist ililipad natin yan ditto sa Pilipinas.”

Malaking announcement din ni Arnel na gagawin ng pelikula sa Hollywood ang life story niya na binubuo na ngayon ang istorya.

“Noong una ayoko sana pero kasama na ito ng pag start ng Music camp natin ang nangyari kasi sa akin is an extra ordinary story so kailangan kasama siya para ma inspire ang lahat ng aspiring musicians out there na hindi nabigyan ng chance na ituloy lang ang dreams nila. I will do some parts pero baka mag workshop muna ako. Alam ko kukuha sila ng Hollywood actor na magpe play na ako at dapat mag aral siya ng Tagalog. Nasa casting stage na siya ngayon. Naka ilang meeting na rin ako sa writers para sa story and may mga naka schedule pa kaming talks kasi gusto nila naka detalye talaga mula ng magka isip ako, they’re trying to talk with director Robert Zemeckis at ang working title namin is 'Don't Stop Believing.'"