• Home
  • Fresh Scoops
  • Misters of the Philippines Neil Perez wants to meet Bea Alonzo

Misters of the Philippines Neil Perez wants to meet Bea Alonzo

The Philippines candidate to Mister International says he wants to uplift the image of policemen.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/25/2014 7:57 PM
Misters of the Philippines Neil Perez wants to meet Bea Alonzo


102514-neil_main.jpgSix years in service na si Neil Perez ng ma discover ang kanyang potential sa pagmo modelo. At hindi nga nagkamali ang nag discover sa kanya at isali siya bilang isa sa mga kandidato sa male pageant na Misters of the Philippines  dahil nakuha niya ang title at siya ang lalaban sa Mister International na magaganap sa Seoul, South Korea sa November 14 hanggang 29.
 
Naka leave na ngayon bilang pulis si Neil at natutuwa na marami ang sumusuporta sa kanya bilang panlaban ng Pilipinas.
 
Sa akin normal pa rin pero natutuwa ako kasi marami ang sumusuporta sa akin marami ang nagko-congratulate, marami pa gusto sumuporta dahil alam nila magko-compete pa ako sa Seoul, Korea. Sa ngayon po tuloy-tuloy ang training hanggang sa competition.”
 
Hindi man daw nasusulat sa media, malakas din daw ang nagiging suporta sa kanya ng mga kasamahang pulis.
 
Sumusuporta lang sila like noong una sa mga online voting, sa text votes, talagang malaking tulong ang mga kasamahan ko na pulis sa akin. Natutuwa po ako kapag sinasabi ng mga kasamahan ko na nakakatulong ako sa pagpapaganda ng imahe ng mga pulis. Ito talaga ang gusto ko, ito ang nasa puso ko bata pa lang ako at mahirap din pasukin ang pagpu pulis itong trabaho pero ito po talaga ang nasa puso ko. Open naman po ako sa mga alok ng showbiz basta di naman makaka apekto sa trabaho ko.”
 
Sa mga negative issues naman na nadudungisan ang image ng mga pulis, may magandang sagot si Neil.
 
Siguro po nag generalize lang ang mga tao. Sa akin po siguro dahil pulis ako alam ko po na marami pa rin ang tapat sa serbisyo syempre sa balita marami mga ibang story pero wag naman po sana i-generalize ang mga pulis dahil marami pa rin po tapat.
 
Kaliwat kanan na ang guestings at personal appearances ni Neil, kung mabibigyan dawn g pagkakataon, si Bea Alonzo ang gusto niyang makilala at makasama sa guesting.
 
Maganda siya, magaling siya umarte, pinapanood ko lagi ang mga palabas niya sa TV. Sana po kung mabigyan ng pagkakataon makilala ko siya ng personal.
 
At ngayon na marami ang oportunidad na naghihintay kay Neil, alam na niya ang mga prioridad niya sa buhay.
 
Priority ko po talaga magkaroon ng sariling bahay kapag nagka pamilya na ako magkaroon na ako ng mga anak may bahay po kami na sarili namin na mauuwian. Ang priority ko po ngayon ay maipanalo ang competition sa Seoul, South Korea ito po yung magpapaganda talaga sa image naming mga pulis at maging ambassador po ako ng mga pulis