Coco Martin’s wish for his birthday is another teleserye

This November, the actor will be celebrating not only his birthday but his 10th anniversary in showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/25/2014 8:02 PM
Coco Martin’s wish for his birthday is another teleserye


102514-coco_main.jpgNATAPOS na ang teleseryeng Ikaw Lamang ni Coco Martin nung Biyernes (Oct. 24) pero mukhang hindi matutuloy ang plano niyang pagbabakasyon na birthday gift sana niya sa sarili dahil diretso naman siya sa shooting ng Feng Shui 2 na entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival sa December.

Sa Ikaw Lamang, partner ni Coco sina KC Concepcion at Kim Chiu. Sa Feng Shui 2 naman, first time niyang makakatrabaho sa pelikula si Kris Aquino at Direk Chito Rono.

Honestly, gusto ko sanang pumunta sa Boracay, Batanes, Sagada saka sa Palawan. Pero kailangang magtrabaho, eh,”pahayag niya sa amin.

Pamilya lang daw if ever ang isasama niya sa bakasyon. No special someone.

Wala pa ngayon, eh. Raket muna ang hinahanap ko, eh. Kasi, darating naman po ‘yun, eh. Kasi sabi ko nga, nanggaling na ako sa mahabang-mahabang relasyon at ilang beses na relasyon. Kumbaga, ayokong sayangin ang pagkakataong ito at kung anong blessing na mayroon ako ngayon,” katwiran pa niya.

Sa Nov. 1 ang birthday ni Coco at first time niyang magkakaroon ng malaking selebrasyon dahil magsi-celebrate din siya ng 10th year anniversary sa showbiz.

“Ang tagal ko na rin pala sa showbiz. Ha-ha-ha! Ang  tanda ko na rin pala,” natatawa niyang pahayag. “Biruin nyo, tumagal ako ng 10 taon,” hirit pa niya.

Hindi talaga nagpa-party si Coco tuwing birthday niya, pero dahil nga anniversary niya sa showbiz kaya pumayag na rin siya.

 “Sa totoo lang, ayoko sanang mag-celebrate, kasi hindi ako sanay, eh. Kung magkaroon man, family lang. Ang may gusto talaga, ‘yung manager ko, si Mother Bibs (Biboy Arboleda), sabi niya, ‘kahit paano, mag-celebrate ka naman, magpasalamat ka man lang, i-enjoy mo ‘yung 10 years mo kahit papano, ‘yung lahat ng pinaghirapan mo.’”

Pagkatapos ng Ikaw Lamang, wish ulit ni Coco na makagawa ng panibagong soap opera sa ABS-CBN.

Happy birthday Coco from all of us here in Push.com.ph.