• Home
  • Fresh Scoops
  • Maricar De Mesa and Don Allado both give their side regarding their separation

Maricar De Mesa and Don Allado both give their side regarding their separation

Maricar and Don were married for seven years.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/24/2014 9:00 AM
Maricar De Mesa and Don Allado both give their side regarding their separation


102414-maricar_main.jpgBalik trabaho si Maricar De Mesa sa “My Big Bossing” na isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival ngayong December. Kontrabida dito si Maricar sa pelikula na bida sina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Sa set visit interview natin, nag open up si Maricar sa status ng puso niya ngayon na may matinding pinagdadaanan.

Sa experience ko nga kapag sablay ang lovelife medyo blooming ang career. Naka develop ako ng allergies sa basketball. Namamantal ako kapag yan ang napapag usapan. I left for the US and Canada I was away for less than two months soul searching ako lang mag isa, ang laking bagay nakatulong kaya lang dahil hindi pa kami legally annulled we are working on it its in the process na

Naniniwala rin si Maricar na may dahilan kung bakit nangyari ang lahat at nag fail ang kanyang kasal kay Don Allado.
“I put everything into pieces yung mga reason kung bakit kami naghiwalay kung bakit hindi nag work ang marriage naming na 7 years na, it all boils to having another woman, a third party. Nagsimula sa stories na nabuo na back up an pa ng truth and it happened during the marriage habang abala ako sa pagta trabaho.”

Bago bumitiw sa kanyang 7 years na married life, masasabi ni Maricar na ginawa niya ang lahat para maayos ang mga problema pero nauwi rin daw ito sa wala.

“My ex husband chose that path ginusto nya yun doon siya. Kumbaga gusto ko pa respetuhin ang sarili ko, exit na lang gracefully. I really tried my best siguro hindi niya pwede ibalik sa akin na hindi ako nag effort na maayos kami because ako ang nagpumilit na ayusin, ako ang nakiusap at ako nagsabi sa kanya na huwag sayangin ang seven years wag natin itapon, sinabi ko rin na I’m willing to change im willing to adjust para sa iyo pero ayaw na niya talaga.”

Kung very open si Maricar sa kanyang nararamdaman at sa present status ng relationship nila ng ex husband na si Don Allado, naging matipid naman si Don sa kanyang sinabi at mas pinili na maging tahimik na lang sa issue na pinagdadaanan nila.

“I'm a positive person so I'm very optimistic. No comment na lang ako sa mga negative things, I don’t entertain them. I value yung privacy ko, I’m a very private individual. Whats nice is that I have group of friends na sinusuportahan naming ang isat isa. I hope people will respect my stand on this pero I want to be private.”

Apat na taon naging magka relasyon at pitong taon na kasal sina Maricar at Don bago sila naghiwalay.