• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Vice Ganda admits being extra conscious of Cherie Gil on ‘It’s Showtime’

EXCLUSIVE: Vice Ganda admits being extra conscious of Cherie Gil on ‘It’s Showtime’

Vice Ganda admits that he had not wanted to do the ‘Magpasikat’ segment on ‘It’s Showtime,’ but decided that he might as well use it to send a message.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/24/2014 9:28 AM
EXCLUSIVE: Vice Ganda admits being extra conscious of Cherie Gil on ‘It’s Showtime’


102414-vice_main.jpgIsang emosyonal na Huwebes ang naganap sa It’s Showtime nang nag-perform si Vice Ganda para sa “Magpasikat” segment. Inaabangan ng lahat kung ano ang inihanda ni Vice na kilalang laging malaki ang inihahandang produksiyon taun-taon. Ngunit ginulat niya ang lahat na isang simple ngunit emosyonal na palabas ang kanyang ginawa, isang kantang siya mismo ang sumulat ang kanyang kinanta kasama ang mga “specially abled” children at ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Sa panayam ng Push kay Vice, ikwinento niya buong kwento sa likod ng konseptong ito. “Yung objective ko lang talaga dito sa Magpasikat… kasi nagawa ko na lahat eh. Pero yung sinabi ko na ang dami ko nang nagawa. Pero ano ba yung naiwan ko? Ano ba yung naiwan ko sa dami ng ginawa ko? Parang wala naman so ito na yung chance ko na kailangan may maiwan ako sa mga nanonood sa atin.”

Ang kwento naman sa kantang siya mismo ang sumulat, “Para sa Showtime, para sa Magpasikat talaga kasi ayaw ko na talaga magperform. Sabi ko, ‘Kailangan ba talaga ulit natin magcompete?’ Sabi kong ganun, taun-taon na lang, ang hirap-hirap, nakakaubos talaga. Sabi ko parang wala na akong maisip gawin kaya sabi ko yun nga yung objective ko. So sinabi ko gagawa ako ng kanta, yung pinakasimple. Hindi ko na kilangang ihagis at ibitin-ibitin, hindi ko na kailangang mag-agaw buhay. Sabi ko simple lang pero kailangan ko matarget yung objective ko na may maiwan akong mensahe.”

Ibinhagi din ni Vice ang kwento kung paano sila nakarating sa tema na kanilang ipinalabas. “Nung ginawa ko yung kanta, hindi naman kasi ako marunong tumugtug. Tapos nagtanong ako sa Showtime, ‘Kanino ako pwede magpatulong para lapatan ng musika yung naggawa kong lyrics?’ Tapos sabi ko, si Noel Cabangon kasi ganun yung mga kanta niya, inspirational. Sabi kong ganun, magkano kaya? Afford kaya ng Showtime? Sabi nila, kakausapin namin, kaming bahala. Tapos ayun nga kinausap at pumayag naman daw agad-agad. Tapos yung Philharomic at Sir Gerard [Salonga], hindi sila nagpabayad, hindi sila nagpabayad, libre. Kaya nakakatuwa, parang ginawa talaga ng Diyos itong araw na ito, itong pagkakataon na it para magtagapo-tagpo kami at makaggawa ng isang magndang mundo.”
102414-vice_main.jpgIsa din sa mga inaabangan ng lahat ay ang magiging kumento ng isa sa mga hurado ng linggong ito, ang premyadong aktres na si Cherie Gil. Kung matatandaan, naging bukal si Cherie sa kanyang Twitter account tungkol sa hindi niya pagkagusto kay Vice at sa uri pagpapatawa nito. Ito ay noong kasagsagan ng isyu ni Vice at sa ginawa nito sa kanyang concert patungkol kay Jessica Soho.

Ngunit hindi inaasahan ng lahat na naging emosyonal din ang aktres sa ginawa ni Vice at humingi ng tawad sa nagawa niya. Sa ekslusibong panyam ng Push, nagbigay si Vice ng reaksiyon niya tungkol dito. Aniya, “Sabi ko nga kanina, she really didn’t have to apologize kasi hindi naman ako na-offend dun sa sinabi niya. Yun nga eh siyempre lahat naman ng tao meron kanya-kanyang perception at judgment sa bawat isa ‘di ba? Nasa sa kanila na yun ‘di ba? E nabasa ko pa nga, what other people say about you or how people treat you is not your karma, how you react to them is your karma.”

Ngunit inamin ni Vice na nako-conscious siya sa presensya ng aktres sa It’s Showtime. Kwento ni Vice, “Nako-conscious ako, nako-conscious ako kasi sa presence niya pa lang nako-consious na ako pero siyempre hindi ako pwedeng magpahalata at hindi ko pwedeng iparamdam sa kanya na nako-conscious ako kasi bisita namin siya eh. Kailangan niyang maramdaman na welcome siya sa bahay naming. Kaya first time na nakasalubong ko siya dito, ako yung nag-approach. Sabi ko, ‘Hi Ms. Cherie, I am Vice Ganda,’ Tapos sabi niya, ‘Oh finally!’ tapos wala lang natapos lang. Kaya kanina wala akong ine-expect na may apology na matatanggap, wala, kasi ang ineexpect ko lang the comment will really be all about the performance itself.”

Hindi rin tinago ni Vice na nagulat siya na si Cherie ang napiling maging hurado lalo pa at hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang isyu sa pagitan nila. “Nagulat din. Sabi ko nga dun sa staff, ‘Alam niyo ba na galit sa akin yan?’ Sabi nila, ‘Ay sorry, hindi ko alam.’ ‘Kasi hindi ako gusto niyan,’ sabi kong ganun. Kaya sabi ko kanina, ‘Ay Ryan (Bang), sorry hindi ka na naman mananalo this week.’ ‘Bakit?’ ‘E kasi partner mo ako ayaw sa akin nung isang judge.”

Ayon sa komedyante, mula sa puso ng lahat ng kanyang ipinakita. “Oo sobrang emotional kasi nga nanggaling lahat ito sa puso, hindi lang inisip ng utak, nanggaling sa puso. Produkto ito ng puso, siyempre kapag galing sa puso, kapag puso na ang gumagalaw mas iba na ang dating sa atin, mas iba ang pusok, mas iba ang kurot kaya yun nung makita ko yung mmga batang kumakanta, nung damang-dama ko yung sinasabi nila.”