Ibinahagi din ni Boy ang dahilan niya sa paggawa ng librong ito. Nais niya iparating sa lahat ang mensahe na walang hindi kanais-nais na pangyayari sa kapaligiran kung mamahalin natin ng lubos ang ating mga ina. “Dahil naging maganda ang aking buhay dahil sa pagmamahal ko sa aking ina… Sobrang ingay na ng mundo natin, sobrang dami na ng nangyayari na hindi kanais-nais sa ating bansa, sa ating paligid. Panoorin mo kunwari ang news, ang daming malungkot; korupsyon, nakawan, pagkawala ng tiwala natin sa isa’t isa. Maganda naman sana na pagmamahal ang pinag-uusapan kasi kung gusto mo talaga na mapalitan yung pamamaraan ng pagmamahal natin… magsisimula ka talaga sa sarili. You have to start with yourself, you have to start with family.”
Naniniwala si Boy sa isang napakaimportanteng mensahe na kanyang ibinabahagi sa pamamagitan ng kanyang organisasyon. Aniya, “Naniniwala ako na to strengthen families, you have to strengthen the individual and ang mensahe naming sa indibidwal. Sabi ko nga among other message, love your mother, make your Nanay proud. Imagine a world, a community, a country where people are conscious of making their Nanays proud, magdadalawang-isip ka na hindi gumawa ng tama, magdadalawang isip kang mangurakot if you want to make your nanay proud. Magdadalawang isip kang mang-isa, if you want to make your nanay proud. That is the single most important message.”
Sa nalalapit na kaarawan ng King of Talk, naikwento niya ang simple niyang plano upang ipagdiwang ito, “Thanksgiving, may mass lang siguro kami sa bahay kasama ang Nanay, ang aking kapatid, ang aking pamilya, si Bong [Quintana]. At magpapasalamat dahil sa pangalawang buhay na binigay sa akin ng Diyos.” Matatandaang na-diagnose ng isang karamdaman sa liver si Tito Boy dalawang buwan lamang ang nakakaraan na kinailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. Aminado naman si Boy na malaki ang naging epekto ng nangyari sa kanya, hindi lang sa kung paano niya ipagdiriwang ang kanyang kaarawan kung di kung paano nabago ang buhay niya dahil dito, “Yung mga bagay na attached ako sobra dati, parang ngayon hindi na masyado, hindi na masyadong importante sa akin. Kalusugan, kalusugan ng aking pamilya, kalusugan ng mga taong nakakatrabaho ko, importante, I realized that when I got ill, I got sick. At yun nga, yung fundamental question, what is it that you truly want and when is enough, enough? And spend time with your family. Kasi dati there used to be a debate of quantity and quality time, ako ngayon, quantity na. Kahit hindi masyadong maganda basta magkakasama. Kasi minsan nagkakakilanlan kayo ng mahusay at husto during difficult times, don’t be just together during happy times, be together during difficult times, in challenging and difficult times. That improves relationships.”
At ang kahilingan niya para sa kanyang kaarawan, “Kalusugan. Health of body and soul and spirit. And my prayer, it’s a wish that God grants me enough courage and wisdom to be consistent in my loving relationship with him and with people.”