Sa personal niyang karanasan, sanay na raw si Assunta mabigyan ng mga “matronics” roles tulad ng nanay o lola. Sa ganitong pagkakataon sinabi ni Assunta na she “let it slide” at hinahayaan na lang niya na ang audience ang humusga. Mga netizens na raw ang nagsasabi at nagtatanong kung bakit tinanggap ang older role gayung “napakaganda at napaka-sexy” niya. Nagpapasalamat diumano si Assunta sa ganitong mga comments pero, “unfortunately, hindi naman yun nakikita ng iba. Ang tingin sa akin ng iba, ng mga producers ay matronics na.”
Inamin naman ni Assunta na despite her beauty e mayroon pa rin siyang physical insecurities. “Pinanganak ako with open pores.” Lagi raw humuhulas ang kanyang makeup dahil oily ang kanyang balat. Dahil rin dito kaya laging clogged ang kanyang pores at nagkakaroon siya ng pimples.
Twelve years na silang kasal ni Congressman Jules Ledesma at ayon kay Assunta hindi niya kailangan mag-adjust sa mundo ng politika dahil “I stay in the background at nakasuporta lang ako sa kanya.” Minabuti raw niya na wag na pakialaman ang sistema ni Jules nang mapangasawa niya ito dahil politiko na ito noon pa man.