• Home
  • Fresh Scoops
  • Amy Perez talks about Carlo Castillo’s marriage proposal to her

Amy Perez talks about Carlo Castillo’s marriage proposal to her

Amy Perez shares journey with longtime partner Carlo Castillo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/25/2014 5:13 AM
Amy Perez talks about Carlo Castillo’s marriage proposal to her


102514-amy_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, isang masayang Amy Perez ang nagkwento tungkol sa proposal ng kanyang longtime partner na si Carlo Castillo. 

Kwento ni Amy, last year pa annulled ang kanyang kasal kay Brix Ferraris at biniro pa niya si Carlo na sana magkaroon ng proposal. Sagot naman ni Carlo, wag na kasi eight years na silang magkasama. Ngunit four days ago, oct 20, nagulat si Amy nang mag-propose sa kanya si Carlo sa inihandang stag party/ bridal shower ng kanilang mga pamilya at mga kaibigan. At ang rason ni Carlo kung bakit nag-propose ito ay, “baka raw kasi magbago pa ang isip ko.” Masaya naman si Amy dahil, “meron siyang way of making me happy always.” 

Masaya man si Amy ngayon, naalala pa rin niya na hindi madali ang naging journey nila ni Carlo. Nagkaroon pa diumano siya ng miscarriage. Naging dahilan ang miscarriage para magdasal si Amy sa Diyos at ipangako ang healthier lifestyle kapalit ng isa pang anak. Biniyayaan naman sila ni Carlo ng hindi lang isa, ngunit dalawa pang anak na sila Kyle at Isaiah. 

Pinagdasal din diumano niya ang annulment at naging successful naman ito sa pangalawang pagkakataon, kung kaya ang sunod na legal process na pagdadaanan ng kanilang pamilya ay ang adoption ni Carlo of Adi. Dagdag pa ni Amy, isang very simple at relaxed occasion ang magiging wedding ceremony nila ni Carlo.