• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanay, gatong pa sa awayan ng fans ng kanyang anak at ka-ex-PBB housemate nito?

Nanay, gatong pa sa awayan ng fans ng kanyang anak at ka-ex-PBB housemate nito?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

10/23/2014 5:09 PM
Nanay, gatong pa sa awayan ng fans ng kanyang anak at ka-ex-PBB housemate nito?


102314-ogie_main.jpgSa social media nag-aaway ang mga respective fans ng dalawang dalagang produkto ng bahay ni Kuya, samantalang sa tunay na buhay naman ay okay naman ang kanilang mga idol.

Ang inirereklamo ng mga fans ay ang pakikisali sa rivalry na ito, ng nanay ng isang ex-housemate na sa halip daw na ito ang umayos ay parang pinagniningas pa ang awayan ng mga fans. 

Sumasawsaw na rin ito sa pamamagitan ng pagpo-post sa Twitter at Facebook ng mga comments na laging pabor sa kanyang anak. Ayaw niyang ikinukumpara ang anak niya sa ex-housemate dahil dati na raw itong artista samantalang ang anak daw niya ay baguhan pa lang. Kaya ang ending, si mommy tuloy ang naba-bash ng mga fans, tinalo pa niya ang anak niyang nag-aartista.

Dito sa showbiz, 'pag wala nang ikinukumpara sa 'yo o nali-link sa 'yo o hindi ka na iniintriga, manginig ka na sa kaba dahil isang senyales 'yan na hindi na interesado sa yo ang marami. 

Kaya kung ako kay mami, hayaan na ang mga bata. 'Wag masyadong seryosohin ang atake ng ibang fans. Fans nga eh. I-appreciate na lang niya yung mga nagtatanggol sa anak niya kaysa patul-patulan ang lahat ng buma-bash sa anak niya.

After all, we cannot please everybody. And the fact na pumasok kayo sa showbiz eh kailangan lang na handa kayo sa mga intriga.
Kung wala namang "k" ang anak mo, palagay mo, maiintriga yan? Baka tumandang artistang losyang yan. Kaya matuwa ka na lang dahil "in" pa rin ang anak mo.