• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano plans to take things slow in showbiz if his political plans push through

Luis Manzano plans to take things slow in showbiz if his political plans push through

The actor-host says he is thinking of running for mayor in Lipa, Batangas.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/23/2014 2:16 PM
Luis Manzano plans to take things slow in showbiz if his political plans push through


102314-luiz1_main.jpgSina Billy Crawford, DJ Durano, Matteo Guidicelli, Marvin Agustin at Luis Manzano ang mga bidang aktor sa pelikulang Moron 5.2 The Transformation ng Viva Films na ipalalabas na sa Nov. 5 under the direction of Wenn Deramas.

 Kahit comedy ang pelikula, napag-usapan pa rin ang tungkol sa sinasabing pagpasok ni Luis sa pulitika.

Medyo na-delay nga lang ang pagdedisisyon niya tungkol dito dahil naging busy siya lately.

“I had to move the deadline, sobrang dami kong ginawa, eh. Nagbakasyon ako and everything. And I’m still talking to people. I’m still consulting, kung anong kailangan in the first place, and if kailangan naman talaga... So I’m letting all the factors come into play. Then I’ll have a final decision,” Luis opens up to us.

Balak din niyang mag-slow down if ever na ma-elect siya bilang mayor ng Lipa.

“I would definitely have to slowdown sa showbiz kung sa kaling tumakbo ako. Kasi nga, ang mga botante, kung sakali ngang tumakbo ako, ipagkakatiwala nila sa akin ang kabuhayan nila, health care nila, mga daan nila, trabaho nila. Napaka-unfair no’n kung kailangan nila lahat ‘yon sa akin tapos nagti-taping ako dito.”

Ito rin daw ang gustong mangyari ng amang si Edu Manzano once pumasok siya sa pulitika.

Sa tanong kung bakit mayor ang posisyong posible niyang takbuhin, ito ang katwiran ni Luis. 

Mas naniniwala ako sa local position, eh. Hindi ko nakikita ang sarili ko  as legislative. Saka mas naniniwala ako na direkta ang tulong ng lokal, di ba? Instead of you know... I understand that they have a greater responsibility and I respect that. Pero sa akin, iba yung tutok, iba yung direktang tulong ng isang local official.”

Gusto rin ni Luis na tularan ang legacy ng nanay niya if ever maging isa na siyang bilang public servant. 

“One thing na I truly commend when it comes to my mom is, nung tumakbo siyang mayor, she was a mayor, she was being a mayor, she didn’t use her position to run for higher office. 

“The reason why tumakbo siya, she wants to take care of Batangas. Ninety percent, correct me if I’m wrong, ang mga politicians ngayon tatakbo ng isang posisyon kasi gustong umangat kaagad kaya hindi natutukan yung trabaho nila. My mom, nag-three terms yan bilang mayor, inasikaso muna niyang lahat ng dapat asikasuhin bilang mayor and she succeeded kaya nga siya naging governor,” pagmamalaki pa ng aktor.

Ayon pa kay Luis, bago tumakbo sa public office, mag-aaral daw muna siya na katulad ng ginawa ni Gov. Vi.

While preparing for his possible political career, happy naman si Luis sa takbo ng relasyon nilangayon ni Angel Locsin. Inamin din ng aktor na suportado ng kasintahan ang magiging desisyon niya if ever na matutuloy siya sa pagtakbong mayor. 

“In fact nu’ng lumalabas yung mga isyu, tinatanong niya ako, sabi niya ‘kung tatakbo ka, eto magandang gawin diyan’ kasi she knows how to serve people and I would definitely listen to her,” he said.