Joey Marquez admits having a girlfriend is not a priority

The actor says he’s single for five years already.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/23/2014 12:04 PM
Joey Marquez admits having a girlfriend is not a priority


102314-joey_main.jpgMasaya na bilang artista at ordinaryong mamamayan si Joey Marquez. Ang dating mayor ng Paranaque, wala nang balak pasukin ulit ang pulitika.

Mas masarap yung ganito, eh. Yung tahimik lang, yung simpleng mamamayan ka lang,” bungad na pahayag sa amin ni Tsong Joey nang makausap namin siya sa Tuba, Benguet habang nagti-taping siya ng teleseryeng Forevermore na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano na mag-pilot airing na sa Oct. 27 sa ABS-CBN primetime bida.

 “Tulad dito sa set ng Forevermore, malamig, relax na relax lang ako. Ito talaga yung gusto kong gawin, eh. Nandito yung passion ko (sa pag-arte),” Joey continued.

 Maging ang paghahanap ng partner o makakasama sa buhay ay hindi priority ngayon ni Tsong Joey.

Ang tagal ngang wala, eh,” pag-amin agad niya. “More than five years na sigurong wala... Naghahanap din kahit papaano, pero ang hirap kasing maghanap ng partner na alam niyang magiging second priority lang siya.” 

Ayon pa kay Joey, una sa listahan ng mga priorities niya sa buhay ang kanyang mga anak, pangalawa lang bale ang magiging girlfriend o babaing mamahalin niya if ever na dumating iyon.

 “Yeah, I’m alone. Totoo ‘yon,but I’m never lonely,” hirit pa niya.

 Choosy na ba siya sa babae ngayon?

 “Hindi naman choosy. Eh, sa age ko ngayon, aminin na natin na mahirap na talagang maghanap ng partner. Hindi na naman tayo bumabata. Wala na yung dating kakisigan... Saka sabi ko nga, it’s not my priority,” sagot ni Joey.

Fourteen years ang naging relasyon ni Joey sa ex-wife na si Alma Moreno at ayon kay Joey, mahirap na yung mapantayan.

Magkaibigan kami ni Ness (palayaw ni Alma). Nagkakausap at nagkikita pa rin naman kami paminsan-minsan. Kaya nga lang, siyempre, iba na yung sitwasyon ngayon, may asawa na yung tao.”

Inamin din ng komedyante na malaki ang paghanga niya sa ex-wife lalo na when it comes to politics.

Si Ness, operator siya, eh. Mas magaling siya sa akin sa politics. At ngayong mas matanda na siya, mas yung paggalang ko sa kanya. Ha-ha-ha,” biro pa niya.

Ipinaubaya na rin daw ni Joey sa kanyang anak ang pagtakbo sa pulitika.

Sa anak ko na lang. Si Jeremy is running for higher office sa 2016. Siya nalang, tutal bata pa naman siya,” he said.

Joey will play Liza’s father in Forevermore. At masaya siya na from start to finish ay mapapanood ang kanyang karakter. Ang Agua Bendita ang huling teleserye ng aktor sa ABS-CBN.

Forevermore is under the direction of Cathy Garcia-Molina.