• Home
  • Fresh Scoops
  • Jason Abalos reacts to being the object of women and men’s ‘fantasies’

Jason Abalos reacts to being the object of women and men’s ‘fantasies’

Jason Abalos appreciates all the support that he has been getting in his new series ‘Two Wives.’

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/23/2014 8:00 AM
Jason Abalos reacts to being the object of women and men’s ‘fantasies’


102314-jason_main.jpgHindi maikakaila na ang paglabas ni Jason Abalos bilang si Victor sa Two Wives ay isa na sa mga inaabangan sa Primetime ng ABS-CBN ngayon. Maliban sa gabi-gabing pagpapakita niya ng katawan, ang katatapos din na mainit na eksena nila ni Erich Gonzales ay napag-usapan din. Tinanong ng Push.com.ph kung ano ang reaksiyon ng aktor na ngayon ay pinagpapantasyahan siya hinid lang ng mga kababihan kung ‘di maging ng mga kapwa lalaki na may pusong babae. “Okay lang yun, tuloy niyo lang ginagawa niyo. Salamat, salamat kasi para sa akin appreciation yun eh ng kung anuman ang ginagawa ko. Thank you, thank you.”

Nagseselos ba ang kanyang girlfriend na si Vicki Rushton sa kanyang mga ginagawang eksena? “Hindi naman, hindi naman.” 

Sa mga eksenang kailangan niyang magpakita ng katawan o kaya’y gumawa ng mga love scenes, natanong ng Push si Jason kung pinapaalam niya ba ito kay Vicki. “Hindi, hindi ko pinapaalam sa kanya. Nagugalat na lang siya na ‘Ano ba yang eksena mo?’ Ako, lagot, walang magagawa. Supportive naman siya kahit dati pa, kapag dati bago magsimula yung show nagpopost siya sa IG [Instagram], sa Twitter.” 

Kinamusta na din ng Push ang relasyon ng dalawa matapos nang magka-issue si Vicki at ang kanyang Pinoy Big Brother housemate na si Daniel Matsunaga. Ayon kay Jason, “Okay naman, okay naman kami.

Sinabi din ni Jason na napag-usapan na nila ang lahat ang mga nangyari sa loob ng PBB House pagkalabas ni Vicki at naayos nila ang mga kinasangkutang isyu ng isa’t isa. “Napag-usapan lahat, mas okay kami ngayon. Mas nagkakaigihan kami sa mga bagay, napag-uusapan naming ng mabuti.”

Ibinahagi ni Jason na mas nakatulong ang pagpasok ni Vicki sa bahay at lahat ng mga nangyari para mas mapatatag ang kanilang relasyon. “Para sa aming dalawa, mas malaking bagay yung PBB, sa career ko, sa kanya. Nakita ng tao kung papaano kami kaya siguro sa relasyon namin. Mas okay kami kasi mas naging open kami, napag-usapan naming ang mga bagay-bagay.”
102314-jason_main.jpgSa pagkakaugany ni Vicki kay Daniel, nagsalita na si Jason. “Ako nahihiya na ako sa tao kasi hindi naman talaga siya kasama dito. Laging lahat tuwing meron kaming interview nasasama siya na hindi naman dapat nasasama. Ako nahihiya na ako kasi lagi siyang nasasama, lagi siyang nababanggit, wala naman talaga.” Nakapagkita na ang dalawa at sinabi ni Jason na maayos naman ang lahat. “Wala naman, wala naman sa amin yun e. Ang mga tao lang ang nagbibigay ng malisya o kahulugan.”

Kahit pa noong nasa loob siya ng Pinoy Big Brother House, bukas na si Vicki sa posibilidad na pumasok sa show business. Kaya naman nang matanong si Jason kung itutuloy pa ba ito ng kanyang girlfriend, “Sa ngayon nagwo-workshop, depende sa kanya kung anong gusto niya.” At nang matanong kung siya ba ay sang-ayon sa pagpasok ng dalaga sa showbiz, “Ako kahit anong gutso niya, nakasuporta lang ako sa kanya.

Ngunit nang matanong siya kung payag ba siya kung sakaling gawin din ni Vicki ang mga love secens ng tulad ng ginagawa niya sa Two Wives,Nasa kanya yun, baka sabihin niya na, ‘Ikaw nga pinapayagan ko eh.’ Pero nasa kanya lahat, ako nakasuporta lang ako sa kanya kung anong gusto niyang gawin.”