• Home
  • Fresh Scoops
  • Diana Zubiri still willing to show some skin if project calls for it

Diana Zubiri still willing to show some skin if project calls for it

The actress says she is sexier in her new movie "Daluyong"

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/23/2014 12:11 PM
Diana Zubiri still willing to show some skin if project calls for it


102314-diana_main.jpgMas sexy at fresh na Diana Zubiri ang nakaharap natin sa kanyang pagbabalik sa paggawa ng pelikula. Proud si Diana na mas sexy siya ngayon at kina career ang mas magandang hubog ng kanyang katawan. Mapili na kinakain at mas athletic na siya ngayon.

Tama ka mas sexy ako ngayon mas parang na appreciate ko ang pagpapa healthy at mas nakikita ko kasi ang resulta. Dati kasi bata pa ako parang ok lang kaya ko pa pumayat  ngayon na realize ko na mahirap pala magpa payat at this age syempre mas na appreciate mo talaga kumain ng maayos at mag exercise. Mas na realize ko na mas super sexy ako ngayon.Totoo yung sinabi nila na ang pinaka kaunti na dapat mo tanggalin na fat yun ang pinaka mahirap na tanggalin parang hindi ko pa rin nakukuha ang gusto ko weight mahirap kunin

Sa pagbabalik pelikula ni Diana sa indie film na Daluyong, gagampanan niya ang papel ng isang babae na diumano ay nabuntis ng isang pari na papel ni Allen Dizon. Game na game pa rin si Diana kung kailangan magpakita ng skin basta siguraduhin lang daw na magagamit ang eksena at di mae-edit.

Basta ipapalabas nila ha, ang dami na kasing bawal ngayon so kung ano yung hanggang pwede malay natin mas kaya natin ngayon. Sayang naman ang effort kung hindi naman ipapalabas. Maraming offers pero mamimili tayo kasi hindi na tayo masyado bumabata kailangan bagay din sa akin ang gagawin ko.”

Kontrobersyal ang tema ng pelikula at konserbatibo ang mga tatamaan sa kuwento na muli bubuuin ng tandem ng award winners na sina Mel Chionglo at Ricky Lee. Ready naman daw ang lahat sa issues na ipupukol sa kanilang project.

Pelikula lang naman po to gagawin naming at bilang artista gusto lang naming bigyan buhay ang character naming hindi lang dahil gusto naming magpa kontrobersyal o may gusto kami saktan. May papupuntahan naman ang kuwento at hindi lang basta pagpapakita ng kung ano man”

At sa kanyang mas sexy na pagbabalik pelikula, mas palaban na si Diana.

Lahat ngayon mas kaya ko gawin mas ready nga ako eh ang tagal ko rin hindi gumawa ng mga ganitong projects mga seryosohan ngayon mas ready ako harapin ito.”

Kasama rin sa pelikula sina Eddie Garcia, Tirso Cruz III, Ricky Davao at Chanda Romero.