Marvin Agustin reveals he is a Kapamilya once again

The actor says that there is a possible reunion with Jolina Magdangal in new ABS-CBN project.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/22/2014 3:47 PM
Marvin Agustin reveals he is a Kapamilya once again


102214-marvin2_main.jpgGinulat ni Marvin Agustin ang lahat sa press conference para sa pelikulang Moron 5.2 ng Viva Films ng mag announce ito na hindi na siya nag renew ng kontrata sa TV5 at nagbabalik Kapamilya na.

Nagkausap sa telepono si Marvin at Kapamilya Executive na si Linggit Tan sa posibilidad ng pagbabalik ni Marvin. Sa plano ni Marvin sa pagpasok pa ng 2015 siya magkaka assignment sa ABS-CBN at agad na nagulat na kailangan na siya mag report sa taping ng isang bagong serye.

"Nakakatuwa po na nakabalik ako kung saan ako nagsimula ang ABS-CBN po ang nagbigay sa akin ng malalaking break sa career ko at utang ko sa kanila kung nasaan man ako ngayon"

Ang Flor De Liza ang magsisilbing comeback show ni Marvin sa dos at nakapag shooting na sila ng ilang mabibigat na eksena.

Si Direk Wenn Deramas ang director ng Flor De Liza na isang original story at walang kinalaman sa pelikulang ginawa noon nina Janice de Belen at Julie Vega.

"Nakaka panibago na heavy drama ang mga eksena na kinuhanan namin kahapon nasanay kasi ako sa comedy at light roles lang pero heto ang bagong challenge sa akin bilang artista"

Inaasahan din na makakasama ni Marvin ang ka tandem na si Jolina Magdangal na mage expire na rin ang kontrata sa GMA Network.

"Nagkakausap kami ni Jolens sa phone at natutuwa kami sa posibilidad na mag reunion kami sa network na nagtiwala at nagbigay ng break sa amin noon"

Ngayong November na ang target na pagsisimula ng teleseryeng FLOR DE LIZA sa ABSCBN.