• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales speaks up about getting married and settling down

Erich Gonzales speaks up about getting married and settling down

Erich Gonzales admits that she and her non-showbiz boyfriend talk about marriage but have no plans on tying the knot too soon.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/22/2014 9:17 AM
Erich Gonzales speaks up about getting married and settling down


102214-erich_main.jpgKadalasan ay mailap si Erich Gonzales pag-usapan ang kanyang buhay pag-ibig. Kung maari ay hindi masyadong nagdedetalye ang dalaga, ngunit ngayon ilang mga katanungan ang kanyang sinagot patungkol sa kanila ng kanyang non-showbiz boyfriend na halos tatlong taon na niyang kasama. 

Dahil sa dami na mga marriage proposals ngayon sa showbiz, hindi na rin nakaligtas ang aktres na matanong kung may plano na siyang ikasal. “Para sa akin hindi naman siyempre maiiwasan na dun yung tuloy, ‘di ba? Kasi matagal na rin naman na po kami at seryoso naman po kami at bata pa ako at alam naman po niya at naiintindihan naman niya na marami pa akong gustong gawin sa buhay.”

Dagdag pa ni Erich, hindi naman sila nagmamadali kahit na sampung taon ang agwat nila ng kanyang boyfriend. “Supportive lang siya. Kung anong gusto ko nandiyan lang siya naghihintay, so walang pressure. Saka hindi yun minamadali, hindi porket uso o yun ang in ngayon go natin. Siyempre gagawin natin yan kapag alam natin na handa na tayo, bukal sa puso hindi porket uso ‘halika gawin na natin.’”

Hindi naman itinanggi ni Erich na napag-uusapan na rin naman nila kahit papaano ang pagpapakasal lalo pa at may plano na rin naman si Erich na lumagay sa tahimik. “Ako sinasabi ko siyempre hindi naman ako aabot ng thirty siguro kasi gusto ko naman magsimula ng pamilya na hindi naman ganun katanda na pero yun. Kasi para sa akin kapag nagkapamilya na ako yun na talaga yung priority ko eh na, ‘di ba? [Magkaroon ng] anak maging asawa, ganun pero malayo pa.” 

Ibinnahagi din ni Erich na sa pagiging non-showbiz ng kanyang karelasyon, mas nakatulong ito para mas maging tahimik at hinid masyadong laman ng intriga ang kanyang love life. “Siguro nakakatulong siya na hindi siya galing showbiz pero at the same time naiintindihan niya yung field ko kasi mature siya. He is ten years older than me kaya yun din talaga siguro kasi feeling ko kapag ka-age ko mas madali magmature yung girls kaya baka ka-age ko hindi kami magka-wavelength. So siya sobrang swerte ko na naiintindihan niya yung trabaho ko at alam niya na yung mga kissing scenes, yung mga love scenes parte yun ng work ko so hindi rin naman siya yung selosong tipo pero lalaki yun, may ano din pero hindi naman bini-big deal kasi wala naman talaga.”

At kung ang boyfriend niya ngayon ang nakikita niyang makakatuluyan na niya talaga, “Siya na! Pinagdadasal natin yan, siya na.”

Sa estado ng buhay no Erich ngayon, masasabi niyang ito ang panahon kung saan siya ay pinakamasaya? Aniya, “Yes, sobrang saya. Hindi ko naman masasabi na nasa akin na lahat pero lahat ng mga kailangan ko, good health para sa pamilya ko, sa mga taong mahal ko masaya silang lahat kaya masaya ako, positive lang lahat.”